• Home
  • Fresh Scoops
  • Inaabangan pa rin ng maraming pageant fans ang posibleng paglaban ni Hannah Arnold sa Miss International pageant.

Miss International pageant 60th edition, ‘46 confirmed deligates’ ang sasabak

Inaabangan pa rin ng maraming pageant fans ang posibleng paglaban ni Hannah Arnold sa Miss International pageant.

Miss International pageant 60th edition, ‘46 confirmed deligates’ ang sasabak-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

01/21/2022 07:12 PM
Miss International pageant 60th edition, ‘46 confirmed deligates’ ang sasabak

Mula sa magkakasunod na postponement dahil sa COVID-19, posible nang matuloy ngayong 2022 ang inaabangang 60th edition ng Miss International pageant.

READ: 60th Edition ng Miss International, kanselado na

Kasunod ito ng social media post ng Miss International Organization na “46 confirmed delegates to date” ang posibleng sumabak sa inaabangang beauty pageant.


Taong 2019 nang huling isinagawa ang Miss International pageant kung saan si Bint Sireethorn ng Thailand ang kinoronahan bilang Miss International. 

Bilang pag-iingat na rin ng Miss International Organization at Japan, mas minabuti nilang kanselahin noon ang pageant.

Samantala, si Hannah Arnold naman ng Masbate ang pambato ng ngayong taon ng Pilipinas para sa 60th edition ng Miss International pageant. 

Isa lamang ang Pilipinas sa mga bansa sa Southeast Asia na nakasungkit ng pinakamaraming korona sa Miss International pageant. Nakamit ito nina Aurora Pijuan noong 1970, Melanie Marquez noong 1979, Precious Lara Quigaman noong 2005, Bea Rose Santiago noong 2013, at Kylie Verzosa noong 2016. 

Matatandaan rin na sa huling panayam ng PUSH, tila isang paghahanda ang ginagawa ng Binibining Pilipinas Charities Incorporated para sa reigning Binibining Pilipinas International na posible pa rin lumaban sa pageant. 

Sa ngayon, umaasa ang maraming pageant fans na matuloy na ang Miss International pageant sa Tokyo, Japan.