Joshua Garcia ‘jojowain’ si Ivana Alawi: ‘Choosy ka pa ba?’

Sinabi ni Joshua Garcia na na kay Ivana Alawi na ang lahat.

Joshua Garcia ‘jojowain’ si Ivana Alawi: ‘Choosy ka pa ba?’ -Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

01/21/2022 02:08 PM
Joshua Garcia ‘jojowain’ si Ivana Alawi: ‘Choosy ka pa ba?’
Photo credits to @rivanaalawi @garciajoshuae on Instagram

Hindi nagpaligoy-ligoy ang Kapamilya heartthrob na si Joshua Garcia nang sumabak sa “jojowain o totrapahin” challenge kung saan nabanggit ang pangalan ni Ivana Alawi.

Natanong si Joshua kung pipiliin niyang maging kaibigan o i-date ang kapwa niya Kapamilya star sa truth-or-dare interactive show ng ABS-CBN na isang fundraising event para sa mga nasalanta ng bagyong Odette.


“Siyempre, jojowain. I mean, come on, choosy ka pa ba? Mabait, maganda, sexy – lahat sinabi na,” ani Joshua. 

Pero ani Joshua, may mga taong sadyang dumarating sa buhay para maging kaibigan lamang.

“Pero hindi kasi lahat ng tao masasabi mo na meant para maging karelasyon. May nakatadhana sa ‘yo na mami-meet mo lang para maging kaibigan mo, ‘yun lang ‘yung sa ‘kin,” ani Joshua. 

Samantala, hinamon din si Joshua sa nasabing livestream na i-prank call si Ivana at nang tinawagan niya ang aktres ay inamin niya agad na naka-livestream sila. 

Nakiusap naman ni Joshua kay Ivana na hikayatin ang mga kababayan na mag-donate sa mga nasalanta ng bagyong Odette. 

Sinabi din ni Joshua na sana ay agad na gumaling ang aktres matapos nitong makuha ang sakit na COVID-19. 

Matatandaang inamin noon ni Ivana na “crush” niya si Joshua. 

Sa panayam ni Ivana kay Ogie Diaz noong Oktubre nang nakaraang taon, ibinahagi ni Ivana ang mga katangian na gusto niya kay Joshua. 

"Cute yung mukha, tsaka mabait siya. Nakita ko parang family-oriented. Pero hindi ko masabi kasi hindi ko pa siya namee-meet personally,” ani Ivana. 

Ibinunyag naman ni Ivana na nagkakausap sila ni Joshua sa Instagram. Ngunit nang tanungin kung iva-vlog niya sakaling manligaw sa kanya si Joshua, sinabi ni Ivana na mas gugustuhin niyang pribado ang mga nangyayaring maganda sa kanyang buhay. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)

"I think para sa akin, ang hirap kasi na bawat may mangyayaring maganda, o bawat may manliligaw, ivo-vlog mo agad. It should be kept private and special. For me, ha. Kasi parang ayoko namang iharap agad yung camera sa kanya. Not just to Joshua but sa mga nanliligaw or sa mga manliligaw,” ani Ivana.