• Home
  • Fresh Scoops
  • Matapang na pinangalanan ni JC Alcantara ang aktres na si Gillian Vicencio bilang babae na kanyang ‘ghinost’ noon.

JC Alcantara, inaming 'ghinost' si Gillian Vicencio

Matapang na pinangalanan ni JC Alcantara ang aktres na si Gillian Vicencio bilang babae na kanyang ‘ghinost’ noon.

JC Alcantara, inaming 'ghinost' si Gillian Vicencio-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/21/2022 10:57 AM
JC Alcantara, inaming 'ghinost' si Gillian Vicencio
Photo credits to @_gillianvicencio @imjcalcantara on Instagram

Aminado ang aktor na si JC Alcantara na naransan na niyang mang-"ghost" o bigla na lang hindi magparamdam sa babaeng dine-date niya noon.

Inamin ito ni JC sa laro na "Truth or Dare" bilang parte ng fundraising activity ng ABS-CBN sa Kumu nitong Huwebes, Enero 20.

"Oo. Nang-ghost na. Kasi first time din namin magkasama noon. Friends kami," ani JC.

"Siguro inisip ko muna 'yung sarili ko noon that time. Kasi paano kung naging kami? Paano kung mag-away kami? Baka hindi na kami magkasama. Baka hindi na kami magkita. Parang 'yun 'yung inisip ko kaya ko siya ghinost. Kasi gusto ko maging kaibigan na lang siya."

Gayunpaman, sinabi ni JC na magkaibigan pa rin sila ng babaeng iniwan niya sa ere noon.

"Actually friends pa rin kami. Mas tumibay 'yung friendship namin ngayon. [Kasi hindi ko na pinaabot na maging kami]," aniya.

Matapang na pag-amin ng aktor, ang aktres at kapwa Rise Artist niya na si Gillian Vicencio ang tinutukoy niya bilang babae na kanyang "ghinost."

"Alam ko naman alam din niya. 'Pag magkakasama kami, nake-kwento rin namin 'yung tungkol sa mga nangyari before. Nagco-commercial ako noon, nagco-commercial din siya. At part din siya ng Rise. Si Gillian Vicencio," pag-amin niya.

"Ayun. Love you, Gillian!"

BASAHIN: JC Alcantara reveals how his former manager scammed him: ‘Huwag mong ibigay yung tiwala mo’

Ayon kay JC, commercial model pa lang at hindi pa sila ganap na artista ni Gillian noong una silang mag-date. 

"Yes. Nung nagco-commercial kaming dalawa, parang okay lang. Nagde-date kami nun, dinala ko pa siya sa simbahan. Kasi ganun ako kapag nakikipag-date ako. Gusto kong malapit siya kay Lord," aniya.

Kwento pa niya: "Gustong gusto rin ako ng Mama niya, na maging kami. As in love ako ng Mama niya. Parang first time 'yun. Sabi sa akin ni Gillian, 'Alam mo ikaw lang JC ang pinayagan ako ng Mama ko na hindi siya kasama.' So kaming dalawa lang talaga nun.

"Ayun, nag-date kami nun. After nun, hindi na ako nagparamdam."

Muli umano silang nagkita ni Gillian noong naging parte sila ng Star Magic taong 2019. 

"Nung nagkita na kami, naging artista na rin siya, sabay kami naging part ng Star Magic. May ilangan, pero napag-usapan namin. 'Uy sorry ah,' sabi ko. 'Okay lang, okay lang,' sabi niyang ganun. 'At least 'di ba, friends tayo ngayon, masaya tayo ngayon. Magka-Rise tayo,'" kwento ni JC.

"Ayun, si Gillian Vicencio po. Love ko 'yun."

Matatandaang nagkasama sina JC at Gillian sa sikat na boys' love (BL) series na Hello, Stranger noong 2020, kung saan bida rin si Tony Labrusca.

Samantala, bukod kay JC ay kasama rin na sumalang sa "Truth or Dare" ang kanyang mga kapwa Rise actors na sina Jeremiah Lisbo, Aljon Mendoza, at Anthony Jennings.

Mapapanood ang buong episode dito:

Ang "Truth or Dare" fundraising activity ng ABS-CBN ay naglalayong kumalap ng donasyon para sa mga biktima ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.

Narito ang detalye para sa mga nais na mag-donate ng cash:

BANK NAME: BDO

ACCOUNT NUMBER: 0039302-14711
SWIFT CODE: BNORPHMM

BANK NAME: BPI
ACCOUNT NUMBER: 4221-0000-27
SWIFT CODE: BOPIPHMM

BANK NAME: PNB
ACCOUNT NUMBER: 1263-7000-4128

SWIFT CODE: PNBMPHMM

Para sa international donation:

Text HELP4PH to 24365 (US only)
Visit: abscbnfoundation.org
Mail to: ABS-CBN Foundation International
432 N Canal St. #21 South Francisco CA 94080