• Home
  • Fresh Scoops
  • Dream come true para sa sa aspiring singer na si DJ Loonyo ang makatrabaho ang OPM rapper na si Gloc-9 na matagal na niyang iniidolo.

DJ Loonyo, ipinagdasal na makatrabaho si Gloc-9

Dream come true para sa sa aspiring singer na si DJ Loonyo ang makatrabaho ang OPM rapper na si Gloc-9 na matagal na niyang iniidolo.

DJ Loonyo, ipinagdasal na makatrabaho si Gloc-9-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/21/2022 05:23 PM
DJ Loonyo, ipinagdasal na makatrabaho si Gloc-9
Photo credit: @djloonyo and @glocdash9 Instagram

Dream come true para sa sa aspiring singer na si DJ Loonyo ang makatrabaho ang OPM rapper na si Gloc-9 na aniya ay matagal na niyang iniidolo.

Sa online show na PUSH Bets Live, inamin ni DJ Loonyo na ipinagdasal niya na makasama si Gloc-9 sa kanyang bagong awitin na "Bakit."

"Talagang pinagdasal namin 'to na um-oo si Sir Gloc," ani DJ Loonyo.


"Inspired kasi ako kay Sir Gloc since 'Simpleng Tao' pa lang. Sobrang idolo. 'Yung pananaw ni Sir Gloc sa buhay, sa pagiging artist."

Para naman kay Gloc-9, masaya siya sa kanyang naging karanasan na mai-record ang kantang "Bakit."

"Sa totoo lang, nung binigay nila sa 'kin 'yung kanta, buo na eh. Sobra akong natuwa dahil kailangan ko na lang sundan kung ano 'yung direksyon na nilatag nila para sa akin," aniya.

Paliwanag ng rapper: "Sa totoo lang, nag-e-enjoy ako sa ganun dahil for the longest time, sa pagsulat ng kanta, most of the time the direction comes from me, eh. 'Yung song, kahit 'yung mga hook parts iba ang kakanta, ire-record ko muna siya nang sarili ko para mailatag ko siya nang tama, 'yung structure. [Tapos papalagyan ko ng chords]. Kapag nakanta ko na, ibabato ko na 'yan sa producer. Ang gagawin nung producer, tatanggalin niya 'yung chords at saka niya bibihisan ulit.

"Kaya natutuwa ako sa collaborations ko lately kasi, ito na 'yun, nakabihis na. [Kumbaga], sasaksak na lang ako sa bulsa. I'm very very happy sa outcome nung kanta."

Disyembre noong nakaraang taon nang inilabas ni DJ Loonyo ang "Bakit" bilang kanyang bagong single sa ilalim ng Universal Records Philippines. 

Kwento ng social media sensation, bunga ang kanyang kanta sa bonding nila ng kanyang mga kaibigan.

"Bunga siya ng nagkukulitan lang... Then, meron kaming isang tropa na mahal na mahal niya 'yung babae pero torpe siya. Palagi siyang, 'Sa susunod na lang.' Doon namin nakuha 'yung kulit ng kantang 'yun," aniya.

Bukod sa "Bakit" ay nakapaglabas na rin si DJ Loonyo ng ilan pang awitin, kabilang na ang "Dance Under the Sun" at "Kaya Natin 'To."

BASAHIN: DJ Loonyo, nakapagpatayo ng bahay para sa kanyang ina; binigyan ito ng sariling negosyo

Pakinggan ang "Bakit" dito:

Ang PUSH Bets Live! ay isang weekly online show na hinu-host ni Gary Ann Lastrilla at fini-feature ang pinakamalalaking stars sa bansa. Mapapanood ito sa PUSH at ABS-CBN Facebook pages pati na sa push.com.ph.

Mayroon na ring podcast version ang PUSH Bets Live! Mapapakinggan ito sa Spotify, Apple Music, at iba pang streaming platforms.