• Home
  • Fresh Scoops
  • Nangako si Alex Gonzaga na ipagdiriwang nila ang kaarawan ng kanyang ate.

Alex Gonzaga, may mensahe para sa ika-38 na kaawaran ng kapatid na si Toni

Nangako si Alex Gonzaga na ipagdiriwang nila ang kaarawan ng kanyang ate.

Alex Gonzaga, may mensahe para sa ika-38 na kaawaran ng kapatid na si Toni -Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

01/21/2022 08:42 AM
Alex Gonzaga, may mensahe para sa ika-38 na kaawaran ng kapatid na si Toni
Photo credits to @cathygonzaga on Instagram

Muling pinatuyan ni Alex Gonzaga ang pagiging close nila ng kapatid niyang si Toni Gonzaga matapos nitong magbigay ng nakakatuwang mensahe para sa ika-38 na kaarawan nito.

Sa isang Instagram post, sinabi ni Alex na ang kanyang nakakatandang kapatid ang kanyang inspirasyon. 


Ani Alex, isa sa mga dahilan kung bakit inspirasyon niya ang kanyang ate ang pagsusumikap nito sa mga ginagawa niya sa buhay. 

“Happy birthday ate. You are an inspiration to me in everything that you do! Sa lahat ng bagay lagi mo kasi ginagalingan,” saad ni Alex sa caption ng kanyang post. 

Sinabi naman ni Alex patuloy siyang magiging isang “clingy sister” sa kanyang ate. Nangako si Alex na ipagdiriwang nila ang kaarawan ng kanyang ate. 

“I will always be your clingy baby sister forever! We’ll celebrate our birthday together soon. Love you ate!”

LOOK: Alex Gonzaga wows in birthday post

Samantala, nagpasalamat naman ni Toni sa lahat ng mga taong nakaalala sa kanyang kaarawan at sinabi nitong masaya siyang maayos ang kanyang pangangatawan sa kabila ng pandemya. 

“Thankful for your birthday greetings and love. Grateful to be healthy, whole, and happy! This is my 38th,” saad ni Toni. 

Busy ngayon si Toni bilang host ng programang Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 at sa paggawa ng kanyang mga inspirational vlogs sa kanyang YouTube channel.