• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon kay Ogie Diaz, sinabi ni Paolo Contis na hindi buntis si Yen Santos.

Umano’y pagbubuntis ni Yen Santos, pinabulaanan ni Paolo Contis

Ayon kay Ogie Diaz, sinabi ni Paolo Contis na hindi buntis si Yen Santos.

Umano’y pagbubuntis ni Yen Santos, pinabulaanan ni Paolo Contis-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

01/02/2022 08:14 PM
Umano’y pagbubuntis ni Yen Santos, pinabulaanan ni Paolo Contis
Photo Credit: @paolo_contis on Instagram

Nagsalita ang talent manager at showbiz personality na si Ogie Diaz sa usap-usapan kaugnay sa umano’y pagbubuntis ni Yen Santos.

Ito ay matapos bumuhos ang mga spekulasyon sa kumalat na litrato ni Yen at ni Paolo Contis sa airport habang papunta ng Boracay na ibinahagi ng isang netizen.


Sa nasabing litrato, napansin ng mga netizens ang tila paglaki ni Yen ngayon — dahilan upang isipin ng mga netizens na maaaring buntis ang aktres.

Ngunit sa isang vlog na inilabas ni Ogie Diaz, pinabulaanan niya ang tungkol sa kumakalat na tsismis. 

Ani Ogie, sinabi daw sa kanya ni Paolo na nagmukha lang lumaki si Yen dahil sa hangin.

“‘Yung tungkol doon sa kung buntis ba si Yen Santos, as per Paolo, hindi buntis si Yen Santos,” saad ni Ogie. 

“Ang payat nga raw ni Yen Santos. Ang nakunan daw ay ‘yung paglipad nung damit ni Yen Santos kaya nagmukha siyang mataba kasi ang hangin that time,” dagdag pa ni Ogie.

READ: Did Paolo Contis take Yen Santos out to dinner for her birthday?

Payo naman ni Ogie sa mga netizens, huwag nang pangunahan ang dalawa at hayaan na lang sila na magsalita tungkol sa nasabing isyu.

“Hintayin natin silang dalawa. Hindi para pangunahan natin sila at umepal-epal tayo dito,” ani Ogie. 

Hindi ito ang unang beses na magkasamang nagbakasyon ang dalawa. Una silang nagpunta sa Baguio bilang magkaibigan na nasundan pa ng isang bakasyon sa Pangasinan. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis)

Matatandaang nadawit ang pangalan ni Yen sa kontrobersiyal na hiwalayan nina Paolo at dati nitong partner na si LJ Reyes. 

Ngunit sinabi ni Paolo na walang kinalaman si Yen sa hiwalayan nila ni LJ. 

“She was never the reason of our breakup. I was. Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me. Masyado niyo siyang diniin sa issue na ‘to. Pati pag promote namin ng movie nabahiran na ng kung anu-ano,” ani Paolo.

READ: Paolo Contis, inaming naging marupok; humingi ng paumanhin kay LJ Reyes

“When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for three days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip-isip. Naging insensitive ako about the possible effects nung issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din. She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this,” dagdag pa niya.