• Home
  • Fresh Scoops
  • Magkasamang nagdiwang ng bagong taon ang magkapatid na sina Marjorie at Claudine Barretto.

Marjorie at Claudine Barretto, magkasamang sinalubong ang bagong taon

Magkasamang nagdiwang ng bagong taon ang magkapatid na sina Marjorie at Claudine Barretto.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

01/02/2022 04:43 PM
Marjorie at Claudine Barretto, magkasamang sinalubong ang bagong taon
Photo credit: @team_barretto Instagram

Bagama’t may mga hindi pagkakaunawaan, magkasamang sinalubong ng magkapatid na Barretto na sina Marjorie at Claudine ang bagong taon ngayong 2022 kasama ang kani-kanilang pamilya. 

Makikitang magkasama sina Claudine at Marjorie sa isang family picture na ibinahagi ng isang netizen. Makikitang kasama ng dalawa ang kanilang ina at iba pang mga kapatid at pamangkin.


Nauna nang ipinost ng anak ni Marjorie na si Leon at ng anak ni Claudine na si Sab ang litrato sa kani-kanilang mga Instagram stories. 

Samantala, ibinahagi din ni Claudine sa kanyang Instagram account ang isang bidyo kung saan ibinida niya ang mga pagkain na inihanda nila sa nagdaang padiriwang ng bagong taon. Dito, makikita din ang bonding moments ng mga magpi-pinsan. 

Matatandaang close ang dalawang magkapatid bago nagkaroon ng awayan sa pagitan nila at ang nakatatandang kapatid nito na si Gretchen.

BASAHIN: Claudine Barretto exposes sister Marjorie threatening to punch ‘Inday’ in new video

Isa na marahil sa pinakakontrobersiyal nilang pag-aaway ang nangyari noong 2019 kung saan nagkaroon sila ng bangayan sa mismong lamay ng kanilang yumaong ama. 

BASAHIN: Barretto sisters Claudine and Marjorie remember late dad on Father’s Day

Hindi maikakaila na isa ang Barretto sisters sa pinakakilalang magkakapatid sa mundo ng Pinoy showbiz.