• Home
  • Fresh Scoops
  • Inamin ni Alexa Ilacad na nasaktan siya nang mapanood ang mga kaganapan sa loob ng bahay ni Kuya.

Alexa Ilacad, may patutsada kay Brenda Mage

Inamin ni Alexa Ilacad na nasaktan siya nang mapanood ang mga kaganapan sa loob ng bahay ni Kuya.

Alexa Ilacad, may patutsada kay Brenda Mage-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

01/02/2022 06:39 PM
Alexa Ilacad, may patutsada kay Brenda Mage
Photo credits: @alexailacad & @iambrendamage on Instagram

Ramdam ni Alexa Ilacad na tila ginawa siyang “pulutan” sa loob ng Bahay ni Kuya. 

Hindi maikakaila na ang isyu sa pagitan nina Alexa Ilacad at Brenda Mage ang isa sa sinubaybayan ng mga manonood sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10.


Ito ay dahil sa kadahilanang marami ang mga binitiwang maaanghang na salita si Brenda laban kay Alexa. 

Kaya naman nang mag-live kamakailan si Alexa sa streaming app na Kumu, sinagot niya ang tanong ng isang netizen kung ano ang magiging reaksiyon niya sakaling magkita sila ni Brenda.

Pag-amin niya, nasaktan siya nang malaman ang mga pinagsasabi ng kapwa housemate lalo pa’t ramdam niya na ginawa siyang parang pulutan ni Brenda. 

“I’m not going to lie and be [a] hypocrite. And I will say na masakit. Ang sakit talaga. Wala akong ka idi-idea na parang na pala akong pulutan sa Bahay ni Kuya,” ani Alexa. 

READ: Alexa Ilacad, diretsahang kinausap si Brenda Mage: ‘Mukhang tanga at desperada?’

Pag-amin ni Alexa, ayaw niyang nagtatanim ng sama ng loob kaya naman ay hindi umano siya mahihirapan magpatawad dito. 

“So, if I were to approach that person siguro it would take time. I think, for the other side kesa sa akin, kasi mabilis akong magpatawad. And I don’t like holding grudges. I think life is too short for all of that,” ani Alexa. 

Kaya naman kung magkita sila, magiging “professional” umano ang approach niya dito. 

“So, for me, if mag-apologize man siya o hindi, I will choose to be the bigger person, as always. And also, kung makita ko man siya, I’m a professional. I will be civil with that person,” aniya. 

READ: Alexa Ilacad grateful as she ends 'PBB' stint

“Respeto pa rin ang dapat manaig at kung siya wala siya nun, para sa akin that’s not my problem,” dagdag pa niya. 

Bagama’t nakatanggap ng masasakit na salita si Alexa, kampante siya lalo pa’t alam niyang wala siyang inapakang tao. 

“Parang ang dami-dami kong nakikita. Ang dami kong naririnig, hindi kaaya-aya. But at the end of the day, at least, alam ko sa sarili ko, ako, wala akong inapakan na tao o sinabihan nang masama. So, makakatulog ako doon,” ani Alexa. 

READ: Juliana Parizcova Segovia, dumipensa kay Brenda Mage

Una nang ibinahagi ni Alexa na kinailangan niyang balikan ang mga nangyari sa loob ng Bahay ni Kuya para sa kanyang trabaho. 

Matatandaang ika-26 ng Disyembre nang lumabas si Alexa sa Big Brother house matapos ma-evict kasama si KD Estrada.