• Home
  • Fresh Scoops
  • Masaya si Vice Ganda sa muling pagbabalik ng ‘It’s Showtime’ live.

Vice Ganda sa muling pagbabalik ng ‘It’s Showtime’: ‘Ang ligaya talaga ng damdamin ko’

Masaya si Vice Ganda sa muling pagbabalik ng ‘It’s Showtime’ live.

Vice Ganda sa muling pagbabalik ng ‘It’s Showtime’: ‘Ang ligaya talaga ng damdamin ko’-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

01/18/2022 04:29 PM
Vice Ganda sa muling pagbabalik ng ‘It’s Showtime’: ‘Ang ligaya talaga ng damdamin ko’

Labis ang kagalakan ng komedyanteng si Vice Ganda sa muling pagbabalik ng It’s Showtime sa live broadcast.

Ito ay matapos pansamantalang ipinahinto ang live broadcast ng nasabing programa nang halos dalawang linggo na ang nakalilipas.


“We are so back, madlang people! And we’re definitely so, so live! Sampung araw tayong hindi nagkita-kita,” masayang bungad ni Vice sa muling pagbubukas ng progama nitong Lunes, ika-17 ng Enero. 

Matatandaang lumang mga episodes ang umere nitong nakaraang sampung araw bilang alinsunod sa COVID-19 protocols matapos ang sunod-sunod na pagtaas ng mga kaso ng naturang sakit.

“Napaghinga po kami ng 10 araw upang makasiguro kaming malulusog at puwedeng humarap sa kamera, dahil, siyempre, hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na nagkaroon ng bakulawan ng COVID sa paligid. Parang lahat nilagnat, inubo, sinipon. Ngayon, okay na. Work, work, work!” paliwanag ni Vice. 

Sa isang tweet, sinabi ni Vice na masaya siya sa muling pagbabalik ng It’s Showtime lalo pa’t buhay umano niya ito. 

“It felt so good to be back in the studio today. Ang saya na LIVE na naman ang Showtime. Ang ligaya ng damdamin ko. Ito talaga ang buhay ko,” saad ng Vice sa isang tweet. 

 

 

Samantala, hindi naman napigilan ni Vhong Navarro na maging emosyonal sa nasabing programa matapos siyang batiin sa kanyang kaarawan. Ipinagdiwang ni Vhong ang kanyang ika-45 na kaarawan noong ika-4 ng Enero.

“Nag-birthday ako, malungkot ako noon, dahil nga na-expose ako at ‘di ako nakapasok. Ang lungkot ko dahil hindi ako nakapagpasaya ng madlang people. Pero ngayon masaya ako dahil nakabalik na tayo ulit. Live na live tayo,” ani Vhong. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Vhong Navarro (@vhongx44)

“Gagawin namin ang lahat, madlang people, para mapawi ang inyong kalungkutan, because we love you,” saad pa niya.