• Home
  • Fresh Scoops
  • First time din ni Joko Diaz na magkaroon ng batang leading lady.

Joko Diaz, napalaban sa mga daring scenes sa bagong pelikula

First time din ni Joko Diaz na magkaroon ng batang leading lady.

Joko Diaz, napalaban sa mga daring scenes sa bagong pelikula-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/18/2022 07:28 PM
Joko Diaz, napalaban sa mga daring scenes sa bagong pelikula
Screenshot from Kinsenas Katapusan Official Trailer

Walang tinatanggihang role sa pelikula ang dating action star na si Joko Diaz. Sa kanyang edad na 50, first time niyang magkakaroon ng batang leading lady sa katauhan ng baguhang sexy star ng Viva na si Ayanna Misola para sa isang sexy-psycho-thriller movie titled Kinsenas Katapusan.

Sa naturang pelikula ay napalaban din sa mga daring scenes si Joko na ayon sa actor ay ipinagpaalam niya muna sa kanyang non-showbiz wife at sa 17-year-old daughter na si Ashley.

“Alam naman ng misis ko na trabaho ko ito. Bigay ito ni Boss Vic (del Rosario, ng Viva) kasi pinagtiwalaan niya ako. Malaking pera ang isinusugal ng Viva sa akin. Pero nag-usap muna kami nina Boss Vic and Direk GB Sampedro. I know it’s a good project but I haven’t done this kind of role before, so we set some boundaries,” paliwanag ni Joko.


May sini-set daw naman siyang bounderies bago siya gumawa ng daring roles pero secret na lang daw ito.

Katwiran ni Joko, “Kung ano yon, secret na lang muna. Kasi before more on action ako, now ibang atake ito at more daring. I need to trust the director kasi I  don’t want rin naman to get stuck sa mga dati kong ginagawa. We have to move on.

“Wala naman tayong boundaries, eh. It’s just that we have to talk about it before we shoot it. Ano kaya ang magandang atake natin dito? Hanggang dito lang tayo sa pelikulang ito.

“I’m also here to help the new stars na bagong pasok sa showbiz. I also want to thank our Lord Jesus Christ kasi hindi Niya ako pinababayaan at naging busy uli ako,” giit ng aktor.

READ: Joko Diaz on daughter Ashley joining showbiz: ‘Hinahatid sundo ko siya’

Paano ba niya pinaghandaan ang karakter na may karelasyong malaki ang agwat sa kanyang edad lalo na pagdating sa love scenes?

“We set some boundaries lang, tapos no’n, wala na, okey na. Nakasakay na agad ako do’n sa project. Sabi ko, ‘Ride ako diyan. Kung okey sa inyo, okey din sa akin.’ Hindi ko siya puwedeng hindian kasi hindi ko pa nagagampanan itong role na ito, eh,” game niyang pahayag.

Dugtong pa ng aktor, “Nagtitiwala ako sa direktor at sa Viva, hindi naman nila ako bibigayan ng isang proyekto na alam nilang hindi ko kakayanin. 

“Dati naman nagpa-sexy na din ako sa mga pelikula ko noon pero hindi yung ganito na may mga twist, na parang… Iba ito, eh. Iba ang atake ko dito sa movie na ’to. Daring ang concept namin sa pelikulang ito,” sabi ulit ni Joko.

One hundred percent ding ina-assure ni Joko ang kanyang pamilya na kung ano ang ginagawa niya sa pelikula ay bahagi lang ng kanyang propesyon bilang artista.

“Kaya pag ginawa ko yung sexy scenes sinasabi ko naman sa pamilya ko na, ‘Trabaho lang ito. Pagkatapos nito uuwi ako sa inyo at maayos ang magiging buhay natin,” mensahe ng aktor sa pamilya.

READ: Joko Diaz’s daughter Ashley is open to joining a beauty pageant

Samantala, ang kuwento ng Kinsenas Katapusan ay umiikot sa buhay ni Conrado (Joko), isang successful businessman na may mabait at mapagmahal na asawa, at isang dalagang anak. Makikilala niya si Beth (Ayanna) sa online, isang batang babae na may madilim na nakaraan.

Nagsimula lamang sila sa mga video call, at di nagtagal ay nagsimula na silang magkita nang personal. Inilihim ni Conrad sa kanyang pamilya ang pagkikita nila ni Beth, hanggang sa bumisita si Beth sa kanilang bahay at madiskubre niya na si Beth ay kaibigan pala ng kanyang anak.

Ngayon, hindi lang ang buhay ni Conrad, kundi pati ng kanyang pamilya ang nanganganib kapag nalaman nila ang madilim na katotohanan sa nakaraan ni Beth.

Bukod kina Joko at Ayanna ay kasama rin sa pelikulang mapapanood sa February 4 sa Vivamax ang former Pinoy Big Brother housemate na si Jamilla Obispo, Janelle Tee, at Angela Morena.