• Home
  • Fresh Scoops
  • Panalo para kay Vice Ganda ang pagiging calendar model ni Sassa Gurl.

Vice Ganda, nag-react sa pagiging calendar model ni Sassa Gurl

Panalo para kay Vice Ganda ang pagiging calendar model ni Sassa Gurl.

Vice Ganda, nag-react sa pagiging calendar model ni Sassa Gurl -Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

01/17/2022 09:42 AM
Vice Ganda, nag-react sa pagiging calendar model ni Sassa Gurl
@praybeytbenjamin on Instagram & @Itssassagurl on Twitter

Gumawa ng kasaysayan ang social media sensation na si Sassa Gurl nang maging kauna-unahang miyembro ng LGBTQIA+ community ito na calendar model para sa isang sikat na whisky brand.

“Ngayong 2022, ang calendar model namin, ang laging nagpapainom tuwing may inuman. Ang aming White Castle 2022 Calendar Model, walang iba kundi ang Mima nyong busog, Sassa Gurl!” anunsyo nang nasabing brand.


“May alak ka na, may pulutan ka pa!!! Napakingan na tayo mga bakla! Para to sa mga baklang umaawra sa inuman at nazezero, eto na tayo na ang naka booking sa calendar gurl,” sambit ni Sassa nang i-anunsyo ito.

Kaya naman hindi napigilan ng nag-iisang Unkabogable Star na si Vice Ganda na ihayag ang kanyang kagalakan

“Winner! Panalo! Wagi! Title!!! Tah kayo!!!” sambit ni Vice.

Maliban sa mga TikTok videos, nakilala si Sassa Gurl sa kanyang mga vlogs sa YouTube pati na ang kanyang mga posts sa Twitter kung saan hinihikayat niya ang mga netizens na mas maging aktibo sa mga isyung panlipunan.