Trina Legaspi, nagkwento tungkol sa buhay mag-asawa

Trina Legaspi, nagkwento tungkol sa buhay mag-asawa-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/17/2022 04:24 PM
Trina Legaspi, nagkwento tungkol sa buhay mag-asawa
Photo credits to @trinalegaspi on Instagram

Dalawang buwan matapos ikasal sa nobyong si Ryan Jarina, nagkwento ang aktres na si Trina Legaspi, o mas kilala bilang si "Hopia", tungkol sa kanilang buhay mag-asawa.

"It's fun, new, and exciting pa rin naman kasi bagong experience 'to for us...Ang dami naming natututunan sa isa't isa. Yes, merong adjustments, pero nasa honeymoon stage pa rin kami," ani Trina sa podcast na PUSH Bets Live!


"Mas naging sweet din kami. Nung sweet na kami nung boyfriend-girlfriend, mas naging sweet pa kami ngayon."

Ayon kay Trina, isa sa mga bagay na nilu-look foward nila ni Ryan ngayong mag-asawa na sila ay ang pagta-travel.

"Strict kasi 'yung parents ko, so never kaming nag-travel na kaming dalawa lang talaga," paliwanag ng aktres. "So 'yun 'yung nilu-look forward namin as a married couple, mag-travel na kaming dalawa lang, wala nang chaperone, wala na 'yung sister ko.

"So 'yun. Ang saya. Kahit matagal na kaming mag-boyfriend-girlfriend, parang bago pa lang kami kasi marami pa kaming experiences na hindi pa namin nagagawa."

Bukod dito ay excited na rin umano si Trina na bumuo ng pamilya kasama ang kanyang mister.

"My heart is really full of love. Siyempre I still have lots of things to learn...Marami pa rin akong nilu-look forward. And hopefully, after a year of honeymoon, 'di ba, that's the time that we could plan na to have a family na rin one day," aniya.

Samantala, nagkwento rin ang aktres tungkol sa kanyang karanasan na magplano ng kasal sa gitna ng pandemya.

Kwento niya, matapos nilang ma-engage ng kanyang mister ay agad silang nagpa-book ng date sa simbahan.

"After niya mag-propose, ang una naming binook is church. Ako kasi, gusto ko talaga to get married in a church. [But] risk siya eh. Hindi ko alam that time kung okay 'yung safety, kung maluwag or bawal, kasi during [the pandemic] 'di ba bawal pa ang church wedding kasi strict pa 'yung IATF," ani Trina.

Bukod sa venue ay nahirapan din umano si Trina sa pagpili ng mga guest sa kanilang wedding.

"'Yung pinaka-mahirap talaga sa pagpa-plan [ng kasal] ngayong pandemic is the guest list for me. Siyempre 'di ba as much as you wanted to invite a lot of friends, limited lang talaga [ang pwede]. Piling pili lang talaga 'yung mga guest na in-invite namin," aniya.

"Siyempre din, we provided antigen testing for everyone. Although it's an additional expense na hindi namin na-plan before, pero for us worth it siya kasi para safe din for everyone."

Gayunpaman, masaya pa rin umano ang naging karanasan ni Trina sa pagpaplano ng kanyang kasal.

"Masaya 'yung wedding planning. Ang sarap ikasal. Lalo na kasi we incorporated din our personality doon sa wedding namin. Kasi mahilig kami pumunta sa mga themed parks, Disney themed parks. 'Yun 'yung goal namin, to travel to all the Disney themed parks in the world. Kaya 'yung theme namin sa wedding namin, mala-fairytale. Pero 'yung hindi OA, simple and classy, ganyan," aniya.

Payo naman ni Trina, na isa ring financial advisor, para sa mga nais nang magpakasal at bumuo ng kanilang sariling pamilya, importante ang pag-iipon.

"Syempre importante talaga na magse-save tayo. For example, sa income natin, mag-allot tayo ng 20% sa savings. Importante rin, aside from savings, you have to have an emergency fund," aniya.

"Ang pagpapakasal kasi, it depends din kasi on the type of wedding na gusto. If it's intimate, mas budgeted din naman. Pero if you want something bigger, then you have to save up for it. Mas maganda sana na financially independent na kayo as a couple kesa you ask for your parents [for money]. Mas maganda na tayo ang magpe-pay ng ating wedding."

Pakinggan ang buong episode dito: 

Nobyembre ng 2020 nang na-engage si Trina sa kanyang mister matapos ang anim na taon bilang magkasintahan. 

Ikinasal ang dalawa Nobyembre rin ng nakaraang taon sa Holy Trinity Church. Ang kanilang wedding ceremony ay ginanap sa Conrad Hotel sa Pasay City.

BASAHIN: Trina ‘Hopia’ Legaspi, kinasal na

Ang PUSH Bets Live! ay isang weekly online show na hinu-host ni Gary Ann Lastrilla at fini-feature ang pinakamalalaking stars sa bansa. Mapapanood ito sa PUSH at ABS-CBN Facebook pages pati na sa push.com.ph.

Maliban sa PUSH Bets Live!, may dalawa pang segments ang PUSH —PUSH Most Wanted at PUSH Extra Scoop—ang mayroon ding kanya-kanyang podcast versions. Mapapakinggan naman ito sa Spotify, Apple Music, at iba pang streaming platforms.