• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi nagpatalbog si Ai-Ai Delas Alas na nag-TikTok sa gitna ng snow at nag-transform bilang Britney Spears.

PANOORIN: Ai-Ai Delas Alas, nag a la Britney Spears sa gitna ng snow

Hindi nagpatalbog si Ai-Ai Delas Alas na nag-TikTok sa gitna ng snow at nag-transform bilang Britney Spears.

 PANOORIN: Ai-Ai Delas Alas, nag a la Britney Spears sa gitna ng snow-Push Team
BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/17/2022 04:30 PM
 PANOORIN: Ai-Ai Delas Alas, nag a la Britney Spears sa gitna ng snow
Photo credits to @msaiaidelasalas on Instagram

Hindi pinalampas ni Ai-Ai Delas Alas ang pagkakataon na mag-transform bilang Britney Spears matapos na sayawin ang hit song ng nag-iisang pop royalty.

Sa isang Instagram na una niyang pinost sa kanyang TikTok account, makikitang sinasayaw ni Ai-Ai ang kantang “Toxic” ni Britney Spears sa gitna ng bumubuhos na snow.


Suot-suot ang itim na damit at boots, game na game na sumayaw si Ai-Ai.

Tila hindi alintana ang lamig para sa komedyante na enjoy na enjoy sa pagsasayaw ng nasabing kanta.

Sinubukan pa nitong mag-cartwheel ngunit hindi nito kinaya kaya naman tinuloy na lamang niya ang kanyang pagsasayaw. 

Matatandaang lumipad papuntang Estados Unidos Disyembre noong nakaraang taon si Ai-Ai kasama ang kanyang asawang si Gerald Sibayan kung saan sila pansamantalang nanihirahan.

Kasalukuyang nanatili sa North Virginia sina Ai-Ai at Gerald, ang kanyang asawa na halos 30 years ang kanyang age gap. 

Ai-Ai Delas Alas, nakarating na sa US kasama ang asawa: ‘Start na ng buhay naten together’

“Thank you dear Lord and Mother Mary, we landed safely. Love you my darling this is it start na ng buhay naten together,” saad ni Ai-Ai sa caption ng kanyang post nang lumapag na sila ng US.