Kapamilya stars na proud Cebuano Part 2 | Pushpins

Narito ang ilang mga celebrities na proud Cebuano.

Kapamilya stars na proud Cebuano Part 2 | Pushpins  -Push Team
BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/23/2022 08:06 AM
Kapamilya stars na proud Cebuano Part 2 | Pushpins

Marami sa ating mga local celebrities ang nanggaling sa iba't ibang panig ng mundo.

Gaya na lamang ng mga sikat na personalidad na ipinanganak at lumaki sa Cebu. 

Sinu-sino sila?     


Let's find out.

 

1.Kyle Echarri   

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kyle Echarri (@kyleecharri)

Ipinanganak si Kyle Echarri sa Amerika ngunit sa Cebu na ito tumira kasama ang pamilya simula noong siya ay 11 years old. 

Simula noon ay natuto ng magsalita at makaintindi ng Bisaya si Kyle. 

Naging housemate rin ng Pinoy Big Brother si Kyle kung saan binansagan siyang ‘Ang Golden Son ng Cebu.’ 

Sa car raid vlog ng aktres na si Erich Gonzales ay ipinarinig ni Kyle ang galing niya sa pagsasalita ng Bisaya. 

 

2.     Erich Gonzales 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Erich Gonzales (@erichgg)

Lumaki man sa Davao City ay ipinanganak ang aktres na si Erich Gonzales sa Cebu City. 
Fluent din magsalita ng Bisaya si Erich na kadalasan niyang ginagamit sa kanyang vlogs. 

Isa na rito ay noong tinuruan niyang magsalita ng dialekto ang kaibigan na si Julia Montes. 

Nagamit rin ni Erich ang Cebuano background niya sa kanyang teleserye na The Blood Sisters. 
Kadalasang nagsasalita ng Bisaya ang isa sa tatlong karakter ni Erich sa teleserye na si Erika. 

 

3.     Morissette 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Morissette. (@itsmorissette)

Tubong Cebu ang singer na si Morisette na doon ipinanganak at lumaki. 

Laging espesyal para sa singer ang pagpunta niya sa Cebu kaya naman maraming concerts na rin ang ginawa niya doon. 

Sa kanyang concert ay minsan na rin siyang kumanta ng Bisaya song titled 'Puhon' na ang ibig sabihin ay 'soon.' 

Na-interview din ni Morissette ang international singer na si Ben Adams at dito ay tinuruan at napagsalita niya ito ng Bisaya lines. 

 

4.     Janine Berdin 

Sa Cebu City ipinanganak at lumaki ang singer na si Janine Berdin. 

Una siyang nakilala ng tanghaling Grand Champion sa Tawag ng Tanghalan kung saan nirepresenta niya ang Visayas region. 

Si Janine rin ang kumanta ng kauna-unahang Bisaya song titled 'Bulalakaw' na kasama sa 11th Himig Handog. 

Kinabahan umano si Janine sa pag-interpret ng kanta ngunit espesyal din umano para sa kanya ang pagkanta sa Bisaya lalo pa’t isinulat ito ng Visayan songwriter. 

Panoorin ang episode ng Pushpins na ito.