• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi napigilan ni Cristy Fermin na maging masaya para kay Nadine Lustre at sa boyfriend nito na si Christophe Bariou.

Cristy Fermin, may inihayag tungkol kay Nadine Lustre at sa bago nitong karelasyon

Hindi napigilan ni Cristy Fermin na maging masaya para kay Nadine Lustre at sa boyfriend nito na si Christophe Bariou.

Cristy Fermin, may inihayag tungkol kay Nadine Lustre at sa bago nitong karelasyon-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

01/16/2022 06:34 PM
Cristy Fermin, may inihayag tungkol kay Nadine Lustre at sa bago nitong karelasyon
Photo credits: @nadine (right) on Instagram

Sinabi ni Cristy Fermin na masaya siya para sa bagong love life ng aktres na si Nadine Lustre. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)

Nitong nakaraang linggo lamang naging “IG official” na sina Nadine at si Christophe. 


“Masaya ako para kay Nadine. Unang-una, she deserves to be happy,” saad ni Cristy sa programa niya. 

READ: Nadine Lustre at Christophe Bariou, Instagram official na

Sa nasabing programa, ibinunyag ng batikang showbiz personality ang ilang chika kabilang na ang ginagawang pang-iiwan umano ng dating karelasyon nito na si James Reid sa mga kaibigan niya. 

Sinabi naman ni Cristy na nagmumukhang “trying hard” noon si Nadine para lang mapangalagaan ang kanilang relasyon ni James. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)

Kaya naman hindi napigilan ni Cristy na maging masaya kay Nadine sa pagakakataong mahanap ang taong magpapaligaya umano sa kanya. 

“It’s about time na lumigaya na si Nadine Lustre dahil mapagmahal rin siya at marunong mag-alaga ng karelasyon,” saad ni Cristy. 

Tila nag-iba ang ihip ng hangin ngayon dahil kamakailan lang ay may mga binitawang pahayag si Cristy tungkol kay Nadine na kinasama ng loob ng ilang fans. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)

Matatandaang binatikos noon ni Cristy Fermin si Nadine dahil sa pananamit nito nang bumili siya ng condiment sa isang sari-sari store sa isla ng Siargao.