• Home
  • Fresh Scoops
  • Claudine Barretto is all praises for Mark Anthony Fernandez’s growth as an actor.

Claudine Barretto and Mark Anthony Fernandez on possibly rekindling relationship: ‘Hindi pa huli ang lahat’

Claudine Barretto is all praises for Mark Anthony Fernandez’s growth as an actor.

Claudine Barretto and Mark Anthony Fernandez on possibly rekindling relationship: ‘Hindi pa huli ang lahat’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/16/2022 03:21 PM
Claudine Barretto and Mark Anthony Fernandez on possibly rekindling relationship: ‘Hindi pa huli ang lahat’
Photo credit: @claubarretto and @maf_af72 Instagram

Twenty seven years ago nang huling magsama sa pelikula sina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez. Ito ay sa pelikulang Mangarap Ka ng Star Cinema na idinirek ni Rory Quintos na ipinalabas noong 1995. Kaya naman hindi itinanggi ni Claudine na masaya siyang muling nakatrabaho ang dating karelasyon sa pelikulang Deception ng Viva Films na idinirek naman ni Joel Lamangan.

“Lumalim siya bilang aktor; pinag-aralan niya yung role niya. Adventurous siya at nag-e-explore sa pelikulang ito,” diskripsyon ni Claudine kay Mark.

“Magaling si Mark, matagal naman nang alam ng tao yon lalo na ngayon at nagulat ako na sobrang gumaling talaga siya. Nag-mature siya tapos ibinibigay niya lahat ang mga requirements ni Direk Joel
.
“Si Mark the same pa rin, very protective, very sweet parang wala namang nagbago sa kanya kundi lalo siyang bumait ngayon at saka very professional,” dagdag pa ng tinaguriang Optimum Star.


BASAHIN: Claudine Barretto, masaya sa muli nilang pagkikita ni Marjorie Barretto

Para kay Claudine hindi naman naging mahirap na muli siyang gumawa ng pelikula kahit matagal ding nagpahinga. Mukhang hindi pa rin talaga kinakalawang ang husay niya sa pag-arte.

“Paano ba ako naghanda dito? Ah… wala naman akong ginawa kundi aralin yung script. Nag-focus lang talaga ako kung anuman ang gustong ipagawa ni Direk Joel,” kaswal niyang pahayag.

Sina Claudine at Mark Anthony ay nakausap ng PUSH sa ginanap na digital mediacon para sa pelikulang Deception na mapapanood sa Vivamax sa January 28, 2022. Present din sa virtual conference si Direk Joel Lamangan.

Perfect reunion project din kung ituring ni Claudine ang Deception para sa kanila ni Mark kaya tiyak na pagsisisihan daw niya kun hindi ito tinanggap.

Ani Claudine, “Yes, 26 or 27 na kami huling nagkatrabaho ni Mark. Si Mark hindi talaga mahirap makatrabaho o makasama sobrang professional niya.

“No second thoughts. Tinanggap ko talaga agad. Matagal ko na kasing gustong makatrabaho si Mark at alam naman niya yon kaya nang dumating yung offer, nag-go agad ako. ‘Yung Mangarap Ka love story yon, pero hindi malalim, so dito  kami ni Mark nagtutulungan kami. Walang ilangan at nag-uusap kami kung anong gagawin sa scene.”

BASAHIN: Claudine Barretto inaming na-ghost niya noon si Mark Anthony Fernandez: ‘Sa lahat ng mga naging karelasyon ko si Mark ang pinakamabait’

Hindi naman naiwasang usisain kung nakaramdam pa rin ba sila ng kilig habang ginagawa ang pelikula at kung napag-usapan ba nila kung paano kaya kung sila ang nagkatuluyan.

Reaksyon dito ni Mark, “Hindi man kami nagmamahalan bilang lovers, bilang magkaibigan, bilang acquaintance, ako natutuwa pa rin akong nakakausap si Boss Clau, ganu’n din siya sa akin.

“Pero iniisip ko rin, kung nagkatuluyan kami, ano kaya ang hitsura ng anak namin? Alam mo yon?” 

Sey naman ni Claudine, “Napag-usapan namin ‘yan, actually. Paano kung nagkatuluyan tayo? Ilang taon na ‘yung anak natin? Kino-compute pa namin.”

“Pero para sa akin, hindi pa huli ang lahat, alam mo yon? Kung anuman yon. Kasi bata pa naman si Boss Clau, eh. Depende sa sitwasyon, alam mo yon? Kung biglang may access ako na makaligaw sa kanya, bakit hindi? Yes, I still love Claudine, as an actress, as a friend. Crush-wise, hindi mawawala yung pagka-crush ko sa kanya. Kahit ano pa ang situation. Basta lagi ko siyang crush,” huling hirit ni Mark Anthony Fernandez.