• Home
  • Fresh Scoops
  • Nadine Lustre reveals this is the reason she can’t wear colored clothes.

Nadine Lustre gets candid about a common medical condition

Nadine Lustre reveals this is the reason she can’t wear colored clothes.

Nadine Lustre gets candid about a common medical condition-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

01/15/2022 07:41 PM
Nadine Lustre gets candid about a common medical condition
Photo credits: @nadine on Instagram

Tila marami ang naka-relate sa naging pag-amin ng aktres at singer na si Nadine Lustre tungkol sa laging pamamasa ng kaniyang kilikili.

Sa bahagi ng isang vlog ng celebrity doctor na si Aivee Teo, tahasan na inamin ni Nadine na isa ang pamamasa ng kaniyang kilikili sa dahilan kung bakit hindi siya makapag suot ng ibang kulay ng damit. 

“My issue is that I can’t wear grays, I can’t wear anything colored. Because when I sweat, it’s really here sa back. I sweat a lot,” sambit ni Nadine sa vLog.


Itong problema rin ang tila isang dahilan sa palagiang pagsusuot ni Nadine ng sleeveless sa kaniyang mga OOTDs at showbiz appearances. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)

Kaya naman to the rescue ang celebrity beauty doctor para tulungan si Nadine sa kaniyang “excessive underarm sweating”. 

Sa uploaded YouTube video, sumailalim sa first session ng underarm botox ang singer-actress na ayon sa celebrity doctor ay kailangan gawin ni Nadine twice a year para tuluyang maibsan ang wetness ng kaniyang kilikili.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Aivee Aguilar Teo (@draivee)

Paliwanag ni Dr. Aivee, problema ng maraming celebrity ang underarm sweating dahil sa exposure din sa mainit na mga ilaw na ginagamit sa shoots.

“Of course, Nadine shoots and when she’s shooting the lights are so strong and intense and one of the concerns is not to sweat,” pahayag ng celebrity beauty doctor.