• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinabi ni Markki Stroem na magkaibigan lang sila ni Marvin Agustin.

Markki Stroem, nilinaw ang mga spekulasyon sa relasyon nila ni Marvin Agustin

Sinabi ni Markki Stroem na magkaibigan lang sila ni Marvin Agustin.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

01/15/2022 12:37 PM
Markki Stroem, nilinaw ang mga spekulasyon sa relasyon nila ni Marvin Agustin
Photo credit: @markkistroem and @marvinagustin Instagram

Nagsalita na si Markki Stroem tungkol sa mga spekulasyon sa ugnayan nila ng aktor at businessman na si Marvin Agustin. 

Matatandaang matagal nang nauugnay sina Markki at Marvin dahil sa madalas nilang pagbabakasyon sa loob at labas ng bansa. 


Sa panayam ni Markki kay Cristy Fermin, nilinaw ni Markki sa unang pagkakataon na magkaibigan lamang sila ni Marvin. 

BASAHIN: Is Marvin Agustin’s social media post about netizens’ comments on him and Markki Stroem?

“Marvin…friend ko iyon. Hanggang ngayon, friend pa rin kami,” saad ni Markki. 

“Minsan we’re good friends, and minsan hindi masyadong good friends. Minsan hindi na kami okay. Minsan okay pa kami,” ani pa niya.

Sa parehas na panayam, naitanong din kay Markki ang tungkol sa relasyon nila ni Piolo Pascual na palagi umano niyang kasama mag-jogging sa Bonifacio Global City (BGC). 

Parehas na hawak ng Cornerstone Entertainment sina Markki at Piolo. 

“Same management din kami. We’re friends,” ani Markki. 

Wala naman umanong pake si Markki sa mga taong nagsasabi na bakla siya. 

“Isipin niyo na lang kung ano ang gusto niyong isipin,” saad niya. Pagpapatuloy pa niya: “Wala na akong pake, to be honest, sa mga sinasabi ng mga tao.” 

BASAHIN: Marvin Agustin quashes rumored ties with Markki Stroem

“Sinasabi ko kung ano ang pumapasok sa utak ko and sinasabi ko kung ano ang nararamdaman ko as a person and kung ayaw nilang tanggapin at maniwala kung ano ako eh sa kanila na lang ‘yun,” ani Markki. 

Ani pa niya: ”At the end of the day, I live my life so happily kasi sobrang favorite button ko sa Facebook, block. ‘Yung block button na ‘yun, sobrang favorite ko ‘yun!”

Samantala, tinukoy naman ni Markki ang kanyang sarili bilang isang demisexual.

BASAHIN: Markki Stroem’s gender bending photo shoot

Paliwanag naman niya: “Demisexual—sa pagitan ng pagiging sexual at asexual—which means walang sexual attraction.”