• Home
  • Fresh Scoops
  • Maagang umuugong ang mga pangalan ng mga kandidata sa inaasahang pag-arangkada ng Miss Universe Philippines.

Dating international pageant candidates, maghaharap-harap muli sa Miss Universe Philippines 2022?

Maagang umuugong ang mga pangalan ng mga kandidata sa inaasahang pag-arangkada ng Miss Universe Philippines.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

01/15/2022 04:48 PM
Dating international pageant candidates, maghaharap-harap muli sa Miss Universe Philippines 2022?

Kilalang mga pangalan sa larangan ng pageantry ang ilang nasa wishlist ng pageant fans na inaasahang sasabak sa pagsisimula ng Miss Universe Philippines 2022.

Kasunod ito ng naging anunsyo ng screening schedule ng nasabing pageant na gaganapin ngayong darating na Pebrero.

READ: Miss Universe PH announces screening for 2022 pageant


Muling umugong ang pangalan ng mga former Miss Philippines na sumabak na sa ilang international pageants na inaasahang magbabalik sa 2022 edition ng Miss Universe Philippines.

Ilan sa kanila ay ang 2018 Miss International Philippines na si Ahtisa Manalo. Si Manalo ay ang 24-year-old beauty na naging pambato ng Pilipinas sa Miss International pageant sa Tokyo, Japan kung saan nasungkit niya ang first runner-up.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ma Ahtisa Manalo (@ahtisa)

Kabilang din sa wishlist ng pageant fans ang 2019 Binibining Pilipinas International na si Bea Patricia Magtanong. Si Magtanong ay 27 years old at isang abogada. 

Pasok rin sa wishlist ng pageant fans si Emma Mary Tiglao, 27,  na isang aktibong TV host ngayon. Taong 2019 nang sumabak ang Kapampangan beauty sa Miss Intercontinental pageant.

Hindi rin nawawala sa wishlist ng fans ang 2020 Miss Earth Philippines na si Roxanne Allison Baeyens. Si Baeyens ay 24 years-old na ngayon at naging pambato ng Pilipinas sa Miss Earth pageant noong 2020 kung saan nasungkit niya ang Miss Earth Water title.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Roxie Baeyens (@roxieebae)

Fresh naman from her Miss Grand International performance nitong 2021, maugong rin ang napipintong pagsabak muli sa Miss Universe stage ni Samantha Panlilio. Si Panlilio ay 25 years-old at baguhan sa pageant. Kung sakali ay magiging ikalawang pagsabak niya sa larangan ng pageantry ang Miss Universe Philippines.

Inaasahan rin ng pageant fans ang pagbabalik sa Miss Universe Philippines stage ng former finalists ng nasabing pageant mismo.

Ilan sa mga wishlist ng pageant fans ay ang Boholana beauty na si Pauline Amelinckx na unang sumabak sa Miss Universe Philippines noong 2020. Si Amelinckx ang nakasungkit ng third runner-up placing.

Looking forward rin ang pageant fans sa pamangkin ni 1973 Miss Universe Margarita Moran na si Bella Ysmael. Si Ysmael ang first runner-up noong 2020 Miss Universe Philippines pageant. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Bella Ysmael (@bellaysmael)

Maraming pageant fans din umaasa ang pagbabalik ng 2021 Miss Universe Philippines finalists na sina Victoria Velasquez Vincent at Steffi Aberasturi. 

Si Vincent ay 26 years of age at isang Fil-New Zealand model na itinanghal na Miss Universe Philippines Charity. 

Itinanghal naman bilang Miss Universe second runner-up ang Cebuana beauty na si Steffi Aberasturi. Si Aberasturi ay 27 years of age at isang self-made business woman sa Cebu City.

Ayon sa mga social media post ng iba’t ibang pageant websites, umarangkada na ang initial screening ng mga kandidata na inaasahang maghaharap-harap sa araw ng final screening na gaganapin sa darating na Pebrero.

Si Beatrice Luigi Gomez ng Cebu Province ang reigning Miss Universe Philippines.