• Home
  • Fresh Scoops
  • Napakalaking achievement para kay Cindy Miranda ang makatrabaho si John Arcilla.

Cindy Miranda, kinailangan daw lumevel up para makatrabaho si John Arcilla

Napakalaking achievement para kay Cindy Miranda ang makatrabaho si John Arcilla.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/15/2022 11:03 PM
Cindy Miranda, kinailangan daw lumevel up para makatrabaho si John Arcilla
Photo credits: @cindy and @johnarcilla on Instagram

Napakalaking achievement para sa beauty queen-turned-actress na si Cindy Miranda ang makatrabaho sa isang film project ang Venice Film Festival best actor na si John Arcilla. 

“This is really something big for me. Hindi lahat ng artista ay nabibigyan ng chance na makakatrabaho ang best actor ng Pilipinas,” bulalas ni Cindy sa kanyang solo digital presscon.

Katrabaho ni Cindy si John sa Viva Films suspense thriller movie na Reroute. Kasama rin nila sa pelikula na idinirek naman ni Law Fajardo sina Nathalie Hart at Sid Lucero.


“This is my most intense movie and of course kasama ko rito si John Arcilla. Nabigyan ako ng  chance na makasama ko sa isang film ang isang John Arcilla.

“Sobrang… I had to level up talaga. I was so worried na of course he’s a very, very good actor, yes best actor of the Philippines. Sabi ko, siguro pag tinanong ako kung anong movie ang dapat nilang panoorin sa lahat ng nagawa ko, sabihin ko sa kanila na panoorin nila itong Reroute. This is my best movie yet,” tuluy-tuloy pang kuwento ni Cindy.

Kinikilig ding ibinahagi ng dalaga na unang araw pa lang daw ng kanilang syuting para sa pelikula ay nagpa-picture agad siya kay John. Matagal na rin daw niyang pina-follow ang award-winning actor sa social media at palaging hina-heart ang mga post nito. 

READ: Cindy Miranda shares advice to beauty queens who want to get into acting: ‘Huwag mong i-limit yung sarili mo’

Ano ba ang mga natutunan niya sa rare opportunity na makatrabaho si John?

Lahad niya, “Si Sir John Arcilla po at si Kuya Sid ay magkaibang-magkaiba po sila ng personality and how they prepare sa set. Si John Arcilla po pareho kami sa set, seryoso, naka-isolate before the scene.

“Nakita ko na pareho pala kami ni John Arcilla kasi nasasabihan ako na very serious ako sa set kasi I don’t really talk sa set. Hindi ako nakikipag kuwentuhan kasi in character na po ako at ayaw kong ma-distract.

“I saw myself kay John Arcilla, very seryoso siyang aktor talagang naka-isolate, prepared siya reading his script and he really wants to know what gonna happen.”

During Cindy’s solo presscon ay nilinaw niya rin ang perception sa kanya ng ibang tao na snob siya. May dahilan daw kung bakit ganun ang tingin sa kanya ng iba.

“Sabi nung mga kaibigan ko na first time kong na meet, sobrang behave ko raw po. Pag tumitingin daw ako, parang nakakatakot daw po at hindi raw ako nagsasalita. They feel na galit daw ako sa kanila. Actually, malabo po yung eyes ko. At times feeling nila snob ako at hindi namamansin, hindi ko lang talaga sila makita. 

“It’s just that I don’t see things clearly. Minsan pag sobrang clear ang nakikita mo, then nakikita mo reaction. Distracted ka na at bothered. You feel na may reaction sila sa lahat ng ginagawa mo,” paliwanag ng aktres.

READ: Dingdong Dantes on working with John Arcilla: ‘Sobrang intimidating kaya nakakatakot’

Dagdag pa niya, “Sa totoong buhay, mahirap po akong magtiwala. That’s why naka-isolate ako palagi. But once na nagtiwala ako, tiwalang-tiwala talaga ako. But you know, ang natutunan ko po, habang tumatanda, hindi mo puwedeng i-judge yung tao when you see them the first time.”

Dito na rin inamin ni Cindy na weird daw talaga ang kanyang personality.

“There are some people talaga na weird. Feeling ko I’m weird. Hindi ako normal like my other friends when they communicate with people. I categorized myself as weird. But I’m not a bad person naman po,” deklara niya.

Anyway, ang Reroute ay mapapanood na sa Vivamax simula nang January 21.