• Home
  • Fresh Scoops
  • Buhos ang pagbati at pagmamahal sa social media kasunod nang kaarawan ng Kapamilya actor.

‘Baka tayo talaga’: Moi Bien, may wish para kay Piolo Pascual

Buhos ang pagbati at pagmamahal sa social media kasunod nang kaarawan ng Kapamilya actor.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

01/15/2022 06:25 PM
‘Baka tayo talaga’: Moi Bien, may wish para kay Piolo Pascual
Photo credits: @moibienne on Instagram

Kasunod nang kaniyang kaarawan nitong January 12, nag-uumapaw na pagmamahal at pagbati sa social media mula sa mga malalapit na kaibigan ng Kapamilya actor na si Piolo Pascual para dito.

Ilan sa mga bumati sa aktor ay ang kaniyang ASAP Natin ‘To family kung saan nagdiwang siya ng kaniyang advance birthday celebration noong nagdaang Linggo, January 9.

Bukod sa kaniyang ASAP Natin ‘To family, hindi rin nagpahuli sa pagbati ang isa sa malapit na kaibigan at pinagkakatiwalaan ng aktor na si Moi Bien.

Si Moi ang personal assistant ni Piolo na kasama ng aktor sa lahat ng kaniyang mga showbiz events.

Masasabi rin na higit pa sa pagiging boss at assistant ang samahan nina Piolo at Moi na naging malapit na kaibigan dahil sa kanilang pagsasama sa loob ng halos dalawang dekada.

Sa pamamagitan ng social media post, idinaan ni Moi ang kaniyang nakakatuwang pagbati sa aktor kung saan pinuri nito ang hindi kumukupas na ka-gwapuhan ng Kapamilya actor.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Hatima Marcampo (@moibienne)

“Happy birthday my Mayor ❤️❤️❤️ youre the best!! and your the yummiest, the yummyer? hehe i love you beri beri Much!! Ikaw lang yung habang tumantanda lalong sumasarap!! ahahaha,” caption ni Moi sa Instagram post na sinundan ng nakakatutuwang biro tungkol sa pag-aasawa.

“Pag di ka pa nakapag asawa tapos 50 years old ka na!! Naku lagot baka tayo talaga!! wahahahaha 😘😘😘 happy birthday,” pahayag ni Moi sa post na sinundan ng heart emoji.

Bukod kay Moi, isang pagbati rin ang ipinaabot ng nag-isang anak ni Piolo na si Inigo Pascual. 

Sa Instagram post, ibinahagi ni Inigo ang never seen photos nila ng ama at ipinuri ang pagiging supportive father ni Piolo sa kaniya.

“Happy Birthday to my father!” bungad ni Inigo sa post. “I chose these photos that show how you are as a father, that people don’t usually get to see. Thanks for being so fun and caring. Thanks for all the lessons and for always pushing me to be the best version of myself. Love you!” pahayag ni Inigo sa post.