• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon kay Anji Salvacion, masakit din para sa kanya ang naging paghaharap nila ni KD Estrada sa loob ng Bahay ni Kuya.

KD Estrada, nananatiling espesyal na kaibigan para kay Anji Salvacion

Ayon kay Anji Salvacion, masakit din para sa kanya ang naging paghaharap nila ni KD Estrada sa loob ng Bahay ni Kuya.

KD Estrada, nananatiling espesyal na kaibigan para kay Anji Salvacion-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/15/2022 06:39 PM
KD Estrada, nananatiling espesyal na kaibigan para kay Anji Salvacion
Photo credit to @kdestrada_ and @_anjisalvacion_ Instagram

Nagsalita na ang celebrity finalist na si Anji Salvacion tungkol sa kontrobersyal na paghaharap nila ni KD Estrada sa loob ng Bahay ni Kuya.

Sa episode ng PUSH Bets Live, ipinaliwanag ni Anji kung bakit kinailangan niyang komprontahin si KD tungkol sa tunay nitong nararamdaman para sa kanya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by anji (@_anjisalvacion_)


"Yes po. During that time po, I wasn't ready and I was having a hard time na i-confront siya. Kasi nasasaktan ako, kasi KD is a really special friend to me and ayaw ko talagang masaktan siya. But the only thing that I could do was to do that po. Although, yeah, it's really very harsh, but it's the only thing that I know to help him step up din," aniya.

"During that time kasi nasabihan din ako ni Kuya because I kept on blaming myself on what's happening to him (KD). Kuya told me na bata pa raw ako, pagod na raw 'yung puso ko. Sobrang nag-hit po 'yun sa akin, na I should talaga din love myself at that time. Kasi sabi ni Kuya, if I learned how to love myself and take care of myself, I would be able din to give that care and love and help to other people."

Sa nasabing paghaharap, diretsahang sinabi ni Anji na wala itong nararamdaman para kay KD. Wala rin umanong pag-asa na maging sila dahil pagkakaibigan lamang ang tanging maiaalok ni Anji kay KD. 

READ: Anji Salvacion tells KD Estrada: ‘There will never be a chance’

Pag-amin ni Anji, masakit din para sa kanya ang naging paghaharap nila ni KD, na aniya ay espesyal sa kanya.

"I know na a lot of people din got offended by what I did. But I just wanted to stand din [on] my point na it's the only thing that I could help him [with] because he's also a very special friend to me. Although masakit din siya sa part ko kasi importante rin siyang tao sa akin, but then I just really have to do it to help him and to make him grow din as a person, as an individual," aniya.

Pag-amin pa ng singer, hindi pa sila nakakapag-usap ni KD simula noong lumabas siya ng Bahay ni Kuya.

"Sa taping po, yes, nagkausap kami. Pero hindi pa kami nagkausap nang masinsinan. These days kasi alam ko busy kaming dalawa...Maybe if ano, we'll get to talk din," aniya.

READ: Alexa Ilacad on bond with KD Estrada: 'Now I have a solid person in my life'

Samantala, ibinahagi rin ni Anji kung ano ang mga bagay na natutunan niya sa pagpasok ng PBB.

"Aside from 'yung magpakatotoo ako sa sarili ko... kasi po, before I was having a hard time accepting criticisms from others, but there I discovered na I became receptive sa lahat ng mga constructive criticism at ina-apply ko siya sa sarili ko. Kasi I know that I will learn from it and it'll make me a better version of myself. There, I learned to acknowledge my mistakes, that it's okay to have mistakes and learn from those mistakes," ani Anji.

Nang matanong kung ano sa tingin niya ang kanyang "edge" bilang housemate, sagot ng singer: "I think 'yung pagiging genuine and true po, and just being patient with others. Patience and understanding, I think that's my edge po as a housemate."

Ayon pa kay Anji, sa pagtatapos ng kanyang stint bilang housemate ay marami siyang bagay na nais gawin. Kabilang na rito ay ang pag-arte at pagbabalik sa musika.

"I wanted to try both of them. I want to learn how to act and how to, like, makihalubilo rin sa ibang tao. Kasi iba po 'yung sa acting and iba 'yung sa singing eh. Kasi sa singing, I'm familiar na with it," aniya.

Patuloy niya: "Sa acting, gusto kong matuto how to act and makihalubilo or maka-work 'yung mga malalaking tao pagdating sa acting-an. Kasi for sure marami akong matututunan sa kanila. Goal ko pa naman every day is to learn something and apply it to myself. 

"And sa singing, my plan po talaga is to write more songs and to sing din, like, mag-guest sa 'ASAP' and stuff."

Bago matapos ang panayam ay ibinahagi rin ni Anji ang kanyang mensahe para sa kanyang mga tagahanga at taga-suporta.

"Ito po, palagi ko talagang sinasabi sa kanila, lubos po talaga 'yung pasasalamat ko sa inyong lahat. Kasi kung wala kayo, wala ako kung saan ako ngayon. Grabe po talaga 'yung love and support niyo. Sobrang strong. You guys are one of motivations to work hard, to give my best in everything that I do para hindi ko ma-regret at hindi ko ma-let down 'yung mga tao na sumusuporta sa akin," aniya.

"My family, sa mga Team Anjis diyan, sa Anjinatics Official, hindi ko man kayo lahat ma-mention dito, but I really wanted to tell you that I'm so grateful sa lahat ng binigay niyo sa aking love and support. You guys are my blessings, and I hope na you continue din to be a blessing to other people. Share the love, spread kindness."

Ang PUSH Bets Live! ay isang weekly online show na hinu-host ni Gary Ann Lastrilla at fini-feature ang pinakamalalaking stars sa bansa. Mapapanood ito sa PUSH at ABS-CBN Facebook pages pati na sa push.com.ph.

Maliban sa PUSH Bets Live!, may dalawa pang segments ang PUSH —PUSH Most Wanted at PUSH Extra Scoop—ang mayroon ding kanya-kanyang podcast versions. Mapapakinggan naman ito sa Spotify, Apple Music, at iba pang streaming platforms.