• Home
  • Fresh Scoops
  • Narito ang ilang Kapamilya actors and actresses na proud Cebuano.

Kapamilya stars na proud Cebuano Part 1 | Pushpins

Narito ang ilang Kapamilya actors and actresses na proud Cebuano.

Kapamilya stars na proud Cebuano Part 1 | Pushpins-Push Team
BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/16/2022 08:00 AM
Kapamilya stars na proud Cebuano Part 1 | Pushpins
Photo credits to @chinitaprincess, @vina_morales, @enriquegil17 and @matteog Instagram

Marami sa ating mga local celebrities ang nanggaling sa iba't ibang panig ng mundo. 

Gaya na lamang ng mga sikat na personalidad na ipinanganak at lumaki sa Cebu.  

 


1. Kim Chiu

Ipinanganak man sa Tacloban ay lumaki ang aktres na si Kim Chiu sa Cebu City.  

Unang nakilala si Kim sa pagsali niya sa Pinoy Big Brother noong 2006 kung saan binansagan siyang ‘Chinese Cutie ng Cebu.’  

Marami ang nasorpresa nang kausapin ni Kim ng Bisaya ang isang contestant ng Tawag ng Tanghalan na nahihirapan mag-Tagalog noong April 2018. 

Multilingual si Kim na marunong magsalita at nakakaintindi ng English, Bisaya, Waray, at Mandarin.  

 

2. Vina Morales  

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Vina Morales (@vina_morales)

Ipinanganak at laking Bogo, Cebu ang singer at aktres na si Vina Morales.  

Sa Cebu rin unang ipinamalas ni Vina ang kanyang galing sa pagkanta at nanalo noong 1986 sa Cebu Pop Music Festival.  

Fluent magsalita ng Bisaya si Vina na itinuro rin niya sa kanyang anak na si Ceana.  

Proud Cebuana si Vina na nag-vlog pa kasama ang kanyang anak ng "Fun Bisaya Lesson" at "Bisaya 101."  

 

3. Enrique Gil

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Enrique Gil (@enriquegil17)

Tubong Cebu ang nanay ni Enrique Gil kaya naman sa Cebu rin ipinanganak ang aktor.  

Lumaki man sa Manila ay marunong magsalita at nakakaintindi pa rin ng Bisaya si Enrique.  

Sa isang Magandang Buhay interview ng aktor ay ipinarinig niya kung paano siya magsalita ng Bisaya.  

Mayroon din vlog si Enrique kasama ang kanyang pamilya kung saan Bisaya lang ang pwede nilang gamiting salita.

 

4. Matteo Guidicelli  

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog)

Sa Cebu City ipinanganak ang aktor na si Matteo Guidicelli.  

Proud si Matteo sa kanyang multi-cultural background kaya naman fluent itong magsalita ng Italian at Bisaya.  

Karamihan sa mga posts ni Matteo sa kanyang social media accounts ay maririnig siyang nagsasalita ng Bisaya.  

Ipinamalas din ni Matteo ang galing niya sa pagsalita ng dialekto sa kanyang ibang interviews.  

Ikinatuwa rin ng marami nang tinuruan nitong magsalita ng Bisaya ang asawang si Sarah Geronimo.  

Panoorin ang episode na ito ng Pushpins.