• Home
  • Fresh Scoops
  • Nag-post si Nadine Lustre ng litrato nila ng kanyang rumored boyfriend na si Christophe Bariou sa unang pagkakataon.

Nadine Lustre at Christophe Bariou, Instagram official na

Nag-post si Nadine Lustre ng litrato nila ng kanyang rumored boyfriend na si Christophe Bariou sa unang pagkakataon.

Nadine Lustre at Christophe Bariou, Instagram official na -Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

01/13/2022 09:46 AM
Nadine Lustre at Christophe Bariou, Instagram official na
Photo credits to @nadine on Instagram

Tila kinumpirma ni Nadine Lustre ang matagal nang katanungan ng mga netizens: ang pagiging magkarelasyon nila ng kanyang rumored boyfriend na si Christophe Bariou.

Ginawa ito ni Nadine sa pamamagitan nang pagbabahagi ng mga nila ni Christophe sa kanyang Instagram feed sa unang pagkakataon.

Nadine Lustre, rumored French boyfriend spotted na magka-holding hands


Si Christophe ang founder at managing director ng isang hotel sa isla ng Siargao na Maison Bukana. 

Sa nasabing mga litrato, makikita ang sweet na titigan ng dalawa at nakangiti habang magkatabi ang kanilang mga mukha. 

Makikita lamang sa captions ang mga emojis ng magincian’s hat at magic wand. 

Tingnan ang post ni Nadine sa ibaba: 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)

Matatandaang unang lumabas ang mga bali-balita tungkol sa relasyon nina Nadine at Christophe noong Agosto 2021 matapos kumalat sa social media ang mga litrato kung saan makikitang magkasama sila sa Siargao. 

Na-ispotan din sila ng ilang netizens na magkasama sa isang mall kung saan makikitang magkahawak ang kanilang mga kamay.

Bagama’t tinag na noon ni Nadine si Christophe sa isang Instagram post, hindi nito kinumpirma na may namamagitan sa kanila. 

Nadine Lustre celebrates New Year’s Eve with rumored BF and family

Magkasamang nagpaabot ng tulong sina Christophe at Nadine sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa Siargao. 

Samanatala, sabay namang sinalubong nina Christophe at Nadine ang bagong taon kasama ang pamilya ng aktres.