• Home
  • Fresh Scoops
  • Nananatiling positibo at lumalaban si Kris Aquino sa kabila nang pinagdadaanang pagsubok dahil sa kanyang sakit at sa hiwalayan nila ng ex-fiancé na si Mel Sarmiento.

Kris Aquino, patuloy na lumalaban sa gitna ng sakit, hiwalayan

Nananatiling positibo at lumalaban si Kris Aquino sa kabila nang pinagdadaanang pagsubok dahil sa kanyang sakit at sa hiwalayan nila ng ex-fiancé na si Mel Sarmiento.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/13/2022 11:54 AM
Kris Aquino, patuloy na lumalaban sa gitna ng sakit, hiwalayan
Photo credits to @rkrisaquino on Instagram

Nananatiling positibo at lumalaban si Kris Aquino sa kabila nang pinagdadaanang pagsubok dahil sa kanyang sakit at sa hiwalayan nila ng ex-fiancé na si Mel Sarmiento.

Sa Instagram, sinabi ng aktres na bagamat hindi maganda ang lagay ng kanyang kalusugan at puso ay nananatili siyang matatag para sa kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby.

"Mahaba pa ang laban ko to strengthen my body and heal my broken heart... BUT from childhood I already knew, for me weakness could never be an option… especially NOW because I have kuya Josh and Bimb who still need me to love, care, and provide for them. Para sa dalawang pinakamamahal ko, hindi ako susuko," aniya.

Sa kanyang post, tiniyak din ni Kris na hindi magiging hadlang ang kanyang mga hamon sa buhay sa kanyang kagustuhang tumulong sa kapwa Pilipino na nangangailangan.

"Inamin ko na malayo sa okay ang kalusugan ko… pero ginagawa pa rin namin ang lahat ng kakayanin sa ngayon, para makatulong sa kapwa," aniya.

"Simple ang dahilan ko, hindi niyo kami iniwan nung kami ang nangangailangan… I am just reciprocating in the way I am at present able to, the LOVE, SUPPORT, KINDNESS, COMPASSION, and LOYALTY many Filipinos have given me and my family, especially now that many need assistance. Lahat ng napangakuan, ginagawan ng paraan na matupad bago mag-January 25, birthday in heaven ng mom ko."

Ang ina ni Kris ay ang dating presidente ng Pilipinas na si Corazon "Cory" Aquino. 

Samantala, pinasalamatan din ng tinaguriang "Queen of All Media" ang kanyang mga kaibigan at taga-suporta na nagpaabot ng dasal at pag-alala sa kanya.

"To all, please know how much your thoughtfulness & gestures of caring especially your messages and hand written cards have uplifted me. At least now I know sino ang totoong nagmamahal at maaasahan, at sino ang makasarili at fake lang pala," aniya.

Paglilinaw ni Kris: "Hindi po yung ex-fiancé ang pinatatamaan. Kung siya pinangalanan ko na lang."

Nito lamang Enero ay naging laman ng balita si Kris matapos niyang maging bukas tungkol sa kanyang lumalalang kundisyon.

Bukod dito ay kinumpirma rin ng aktres ang hiwalayan nila ng kanyang fiancé na si Mel Sarmiento, na dating secretary ng Department of Interior and Local Government (DILG) at mayor ng Calbayog City.

Agosto noong nakaraang taon nang kumpirmahin ng dating magkasintahan ang kanilang relasyon. Oktubre naman nang i-anunsyo nila ang kanilang engagement.

"By doing this, I only request for some respect for my humanity and privacy now and in the coming months when I fight for my health... because I was brave enough to show you and tell you the truth," aniya.