• Home
  • Fresh Scoops
  • After six months of construction, all set na ang bagong headquarters ng Rated Korina.

Korina Sanchez, ipinasilip ang bagong Rated Korina headquarters

After six months of construction, all set na ang bagong headquarters ng Rated Korina.

Korina Sanchez, ipinasilip ang bagong Rated Korina headquarters-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

01/13/2022 05:38 PM
Korina Sanchez, ipinasilip ang bagong Rated Korina headquarters
Photo credit to @korina Instagram

Sa pamamagitan ng Instagram post, proud na ibinahagi ng veteran journalist na si Korina Sanchez ang kaniyang bagong gawang headquarters.

Sa nasabing post, ipinasilip ni Korina ang industrial concept ng kaniyang headquarters na aniya ay almost finished na after six months ng construction.


“Almost all done! After 6 months of starting from scratch… Here now is the finished product of the Rated Korina studio headquarters!” sambit ni Korina sa post.

Ang Rated Korina Headquarters ay itinuturing bagong baby ng veteran journalist na aktibo pa rin sa ngayon sa pagbabahagi ng makabuluhang kuwento sa mga Kapamilya. 

Sa bahagi ng caption, ibinahagi ni Korina na New York City-style apartment ang naging peg ng kaniyang headquarters.

“Thanks to all our sponsors, and w the genius of young interior experts Roy and Iris of Mod&Noble, our industrial concept made this space look like a New York apartment, just like that. Cheers to tyaga, determination and creativity. Para kaming nanganak and wer so happy with our baby! Thank you Lord for this blessing.” 

Bukod sa kaniyang trabaho bilang host ng sariling programa, busy din sa pagiging hands-on nanay ang veteran journalist sa kaniyang twins na sina Pepe at Pilar. 

Kasabay ng bagong tayong headquarters, patuloy pa rin sa pag explore ng mga natatanging kuwento si Korina sa Rated Korina na napapanood tuwing Sabado sa A2Z tuwing 5 pm, Tv5 tuwing 7:30 pm at 10:30 pm sa Kapamilya Channel at Linggo sa OnePH tuwing 7:00pm.