• Home
  • Fresh Scoops
  • Binalikan rin ng aktres ang challenging part sa kaniyang role sa ‘The Kangks Show.’

Dr. Margie Holmes, peg ni Angelica Panganiban, sa ‘The Kangks Show’

Binalikan rin ng aktres ang challenging part sa kaniyang role sa ‘The Kangks Show.’

Dr. Margie Holmes, peg ni Angelica Panganiban, sa ‘The Kangks Show’-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

01/13/2022 08:04 PM
Dr. Margie Holmes, peg ni Angelica Panganiban, sa ‘The Kangks Show’
Screenshot from The Kangks Show trailer

Hot topic sa social media ang naging pagbabalik eksena ng aktres na si Angelica Panganiban sa isang sexy comedy series sa WeTV na The Kangks Show.

Sa naging panayam ng Cinemanews kay Angelica, ikinuwento ng aktres ang kaniyang naging role bilang isang sex guru na tumutulong sa mga problemadong kababaihan sa kanilang buhay pag-ibig at sex life.


“Si Doc Kara, siya ang sex guru. So ang concept ng show ay para siyang mga Margie Holmes noong unang panahon, so isa yan sa mga ni-research ko na pinagbasehan ng character. So may mga sex problems or, sexual struggles na pinagdaraanan ang mga letter senders niya. Then siyempre intertwine ang mga sex problems na nangyayari rin sa buhay ni Doc Kara na napakakulay rin naman talaga ng buhay niya. Surrounded rin [siya] ng makukulay na tao tulad ng best friend niya na si Angeli Bayani [at ang]boss naman niya sa trabaho [na] si Sir Nonie Buencamino. So simple lang ‘to simple lang to kaya noong andon ako wala akong kaba-kaba na naramdaman,” sambit ng aktres sa panayam.

Bago at fresh para kay Angelica ang naging role sa sexy comedy series. Ayon kay Angelica, hindi naging mahirap para sa kaniya na tanggapin ang 8-episode series dahil na rin sa kaniyang kaibigan na si Antonette Jadaone na direktor ng series.

“Siyempre, iba siya sa teleserye [at] talaga episodic siya, eight episodes unlike sa teleserye na tatakbo siya ng almost a year or more than a year ang tinatakbo ng teleserye. So sinemplehan lang natin this time, eight episodes na lang. Parang ngayon siguro gusto ko mag-focus sa mga ganun and mas madali kasi siguro siya gawin and alam mong ma lighter yung load mo na alam mong may ending. Parang in 4 weeks uuwi ako at ma re-release ko ang lahat ng ‘to. Puwede ko munang iiwan si Doc Kara, kung may season two, open ko muna ang book na ‘yun. Mas may pahinga talaga pag may mini series. And siyempre noong inoffer sa akin ang project, message pa lang ako na may i-pitch sa akin si Direk Tonette and si Direk Dan (Villegas), kinabahan na ako kasi alam kong ‘yes’ ako,” ani ng aktres.

“Alam ko na I’m in good hands pagka-sila so nag ‘yes’ ako sa project nang hindi ko nababasa ang script,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Angelica, kinailangan i-memorize niya ang 17 pages ng script na aniya ay hindi naging madali sa kaniya.

“Umaabot ng 17 pages ang sinasabi ko nang ako lang ang nagsasalita. Noong una, kaya ako nag-agree, sabi ko direk baka pwede mag prompter tayo, kasi baka puwedeng dayain kasi TV show, kasi baka puwede naman. So nag-agree sila. Pero noong taping mismo, pumalpak kasi nagkamali ang order nila, so talagang na ano ako. Siyempre naiyak ako noong andon ako sa tent noong ako na lang. Na-rattle talaga ako na parang ang sabi niyo may prompter, paano ko ‘to I memorize kaya siguro ganun siya naging mahirap kasi nabigyan ako ng prompter last day ko na tapos expert na ako memorize ko na lahat,” masayang kuwento ni Angelica.

Extra challenge man, aminado ang aktres na na-test niya ang sariling kakayahan dahil sa show.

“So bagong challenge talaga siya pero ang saya kasi, hindi umabot na nagalit ako sa set nainis ako. Parang kanino ako magagalit wala naman may gusto non ‘di ba? Siyempre lahat sila naka suporta. Tapos bilang yung oras niyo dahil pandemic, so parang minamadali mo yung isip mo na ma-memorize siya kasi pumapatak na yung metro, so iniisip mo yung budget ng show, iniisip mo yung eksena ko, iniisip ko yung lines ko. First time kong nag portray ng doctor ng psychiatrist so iba yung mannerisms nila. Meron kaming real doctor sa set, para i-correct ako, yung tingin ko, bawal akong tumingin on my right on my left kailangan straight lang. e mayroon akong mga bullet points na andon sa gilid. Sabi ko, ‘Doc, kailangan ko tumingin doon.’ Sabi ni Doc, hindi talaga puwede e, kasi kailangan stock knowledge mo ang sinasabi mo kailangan sinasabi mo na science talaga siya.” 

Hindi na bago para sa aktres ang sexy themed project. Matatandaan na taong 2004, gumanap ang aktres bilang si Malen sa Laurice Guillen movie na Santa Santita kung saan siya nagpamalas ng husay sa pag-arte at pagsabak sa isang daring na project.

READ: The trailer for 'The Goodbye Girl' starring Angelica Panganiban is here

Para kay Angelica, isa rin paraan ang The Kangks Show sa pagpapalawak ng pang- unawa ng mga tao sa maseselan na usapan katulad ng sex. 

“Kasi noong ginawa ko yung Santa Santita, wala akong naiintindihan sa nangyayari. 17 years old ako nong shinoot naming siya but kailangan siya i-release pag 18 na ako kasi may love scene. So wala talaga akong naiintindihan, na mild stroke ang nanay ko sa set na parang bakit kaya? Pero noon siyempre malaki ang impact sa akin ganyan. Ngayon kasi siyempre alam ko na. Alam ko na ang sinasabi ko, yung iba dito na experience ko, or na experience ko or na experience na nang mga taong malapit sa akin or talagang na rinig mo na yung mga ganitong bagay.

“And totoo kasi yung sinasabi ng project na nagiging taboo ang sex lalo na sa bansa natin na hindi mo naman talaga maiiwas dahil conservative talaga ang Pilipinas na kapag sex ang pinag uusapan. Bakit kailangan nagbubulungan? Bakit ka nahihiya, bakit nahihiya ka na sabiihin na ang sarap ng sex mo last night, or ang sarap ng booking na ‘to, or ang yummy ng lalaking ‘to. So naging taboo siya and ang sarap sana makita or mag-hope ka na ma-normalize natin ang lahat lalo na kapag sex ang pinag-uusapan. Kasi ang dami niyang pwede magandang maidulot sa atin na maging aware ka na, a mali pala pagka ganito di ba? Right ko pala ‘to. Karapatan ko pala ‘to bilang tao, bilang babae, bilang lalaki, bilang bakla na i-demand ito,” pahayag ng aktres.

Sa ngayon, patuloy na napapanood sa WeTV ang The Kangks Show kasama sina Maris Racal, Awra Briguela, Kit Thompson, at JC De Vera.5