• Home
  • Fresh Scoops
  • Nakaramdam ng tila kapayapaan si Claudine Barretto sa kanilang naging pagkikita ni Marjorie Barretto.

Claudine Barretto, masaya sa muli nilang pagkikita ni Marjorie Barretto

Nakaramdam ng tila kapayapaan si Claudine Barretto sa kanilang naging pagkikita ni Marjorie Barretto.

BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

01/13/2022 09:30 AM
Claudine Barretto, masaya sa muli nilang pagkikita ni Marjorie Barretto
Photo credits to @claubarretto on Instagram

Sa panayam ni Claudine Barretto kay Mario Dumaual ng ABS-CBN News, sinabi nito na masaya ang naging pagdiriwang nila ng kanyang pamilya ng bagong taon.

Ani Claudine, ito ang kauna-unahang beses na nagtipon-tipon sila magkakapatid simula nang pumanaw ang kanilang ama.


Madalas namang makipagkita si Marjorie sa iba niyang kapatid maliban kina Gretchen at Claudine. Sina Claudine at Gretchen naman ang madalas magkita. 

Claudine Barretto reunites with Gretchen Barretto after 9 months: ‘I cried. Tears of joy’

Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang magkakapatid na sina Gretchen, Marjorie, at Claudine. 

Gayunpaman, hindi nakadalo ang kapatid nilang si Gretchen at isa pang kapatid na naninirahan sa labas ng bansa. 

“New Year was really, really that fun. First time na nabuo ‘yung pamilya ko except sa dalawang ate ko kasi nasa abroad,” pagbabahagi ni Claudine. 

“We were all together — especially with my niece and nephews nakasama ko,” dagdag pa ng aktres.  

Tinutukoy ni aktres ang ilan niyang pamangkin kabilang na ang mga anak ni Marjorie na sina Leon at Claudia.

Dahil ito ang unang beses na nagkita sina Marjorie at Claudine, hindi niya napigilan na makaramdam ng kapayapaan.

Marjorie at Claudine Barretto, magkasamang sinalubong ang bagong taon

“Sinalubong namin ‘yung New Year with talagang so much love and happiness and so much peace,” ani Claudine.