• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagpositibo sa COVID-19 si Ritz Azul at ang kanyang asawa na si Allan Guwi ilang araw bago ang kanyang ika-28 kaarawan nitong Martes, Enero 11.

Ritz Azul, nagpositibo sa COVID-19 ilang araw bago ang kanyang kaarawan

Nagpositibo sa COVID-19 si Ritz Azul at ang kanyang asawa na si Allan Guwi ilang araw bago ang kanyang ika-28 kaarawan nitong Martes, Enero 11.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

01/12/2022 11:31 AM
Ritz Azul, nagpositibo sa COVID-19 ilang araw bago ang kanyang kaarawan
Photo credits to @ritzazulon Instagram

Nagpositibo sa COVID-19 si Ritz Azul at ang kanyang asawa na si Allan Guwi ilang araw bago ang kanyang ika-28 kaarawan nitong Martes, Enero 11.

Sa Instagram, ibinahagi ni Ritz ang naudlot nilang plano na ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa isang farm kasama ang kanyang pamilya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ritz Alzul-Guy (@ritzazul)


"Ang plan talaga namin ngayong 28th birthday ko ay pupunta kami sa farm with my family for 2 nights. Sobrang excited ako kasi makakasama ko ang family ko and first time namin ni Allan na mag-celebrate ng birthday ko as husband and wife. Excited din si Rizpah (nakababatang kapatid ni Ritz) na makita ang animals daw. 'Di din kasi talaga siya nakaka-travel. 2nd time nya sana ito. But 'di natuloy ang plano dahil nag-positive kami ni Allan sa COVID," ani Ritz.

"Sobrang lungkot ko, iyak ako nang iyak habang papalapit ang birthday ko dahil naiisip ko 'di matutuloy yung na-promise ko kay Rizpah na pupunta kami sa farm. Pero everyday akong chini-cheer up ni @allan_guwi, pinapatawa niya ako kahit na siya rin malungkot din daw sa nangyari."

Sa kabutihang palad, nag-negatibo na umano ang mag-asawa sa COVID-19 noong Linggo, Enero 10, o isang araw bago ang kaarawan ni Ritz.

"Jan. 10 - we tested negative and no more symptoms. Thank God! Sobrang gandang regalo nito for us," aniya.

BASAHIN: Ritz Azul, husband Allan Guy marry for second time in Palawan

Ayon kay Ritz, hindi man natuloy ang kanyang planong birthday celebration ay naging masaya pa rin siya dahil sa inihandang surpresa para sa kanya ng mister.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ritz Alzul-Guy (@ritzazul)

"12:00MN - birthday salubong. 'Di ako nag-e-expect ng kung ano man (Obvious naman sa suot ko. HAHAHA. Pasensya na) pero may hinanda palang mini celebration si Allan, may bonus pa na regalo," aniya.

"Thank you sooo much, @allan_guwi for making this day special and for making me happy. Thank you, papa @rickysibuyo, nanay, and Rizpah for celebrating my birthday. I love you all sooo much!"

Bukod sa kanyang asawa at pamilya ay nagpasalamat din si Ritz sa lahat ng mga bumati sa kanya.

"Thank you all sooo much! I feel loved," aniya. 

Dagdag pa ng aktres: "'Di man nangyari ang mga plano namin, nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos sa buhay na ito at sa mga taong nakapaligid sa akin. I have everything in life ‘coz I have all the love I need. Wala na akong mahihiling pa kundi sana ingatan at patnubayan nawa tayong palagi ng Diyos."

Sa huli, pinaalalahanan ni Ritz ang kanyang mga tagasunod na mag-ingat at protektahan ang sarili sa COVID-19.

"Please keep safe and healthy. Kung may symptoms kayo, isolate na agad kung maaari. Mas maganda na maging maingat. Palakasin ang katawan. God bless," aniya.