• Home
  • Fresh Scoops
  • Humaharap sa iba’t-ibang kaso ngayong ang asawa ni Terrence Romeo na si Beatrice Pia White.

Asawa ni Terrence Romeo, inaresto

Humaharap sa iba’t-ibang kaso ngayong ang asawa ni Terrence Romeo na si Beatrice Pia White.

Asawa ni Terrence Romeo, inaresto-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

01/12/2022 06:50 PM
Asawa ni Terrence Romeo, inaresto
Photo credit to @tbvrome07 Instagram

Inaresto ang asawa ng basketball player na si Terrence Romeo nitong Sabado, ika-8 ng Enero. 

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, inaresto umano ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) si Beatrice Pia White nang dahil sa estafa, paggamit ng mga pekeng pangalan, at technical carnapping.

May mga naghain umano ng reklamo kay White dahil sa hindi pagsauli nito ng nirentahang sasakyan. 

Nanghingi umano ng pera na nagkakahalaga ng P80,000 para sa pagsasauli ng sasakyan. 

READ: Vice Ganda reacts to Terrence Romeo’s engagement

Samantala, hindi naman ito ang unang beses na kinasuhan si White ng estafa. Noon pa man ay nakakatanggap na ito ng reklamo dahil sa hindi umano nito pagbabayad ng utang.

Gumawa ng ingay kamakailan si White dahil sa umano’y hiwalayan nila ng kanyang asawa na si Terrence Romeo na naglalaro para sa San Miguel Beermen basketball team sa guard position.

WATCH: Vice Ganda, itinangging pinapatamaan niya si Terrence Romeo sa social media

Lumabas ang balita matapos itong ibunyag ng showbiz personality na si Cristy Fermin sa kanyang programa.