• Home
  • Fresh Scoops
  • Juliana Parizcova Segovia talks about working with veteran comedians Janno Gibbs, Andrew E, and Dennis Padilla on their latest film.

Juliana Parizcova Segovia reveals what makes her stand out: ‘Balanse yung mukha ko pero walang ngipin’

Juliana Parizcova Segovia talks about working with veteran comedians Janno Gibbs, Andrew E, and Dennis Padilla on their latest film.

Juliana Parizcova Segovia reveals what makes her stand out: ‘Balanse yung mukha ko pero walang ngipin’-Rhea Manila Santos
BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

01/01/2022 06:15 PM
Juliana Parizcova Segovia reveals what makes her stand out: ‘Balanse yung mukha ko pero walang ngipin’
Photo credits: @juliana_parizcova on Instagram

After being part of films like Kaka and Gluta last year, comedian Juliana Parizcova Segovia said she rose up to the challenge of working with veteran comedians Janno Gibbs, Andrew E, and Dennis Padilla.

“Parang hindi ako makapaniwala na nakakatrabaho ko sila ngayon. Pag kasama ko sila during shooting days namin, hindi nawawala sa akin yung maging tagahanga nila. Talagang isa ako sa sumubaybay at nanuod ng mga pelikula nila so pag iniisip ko na nakakatrabaho ko na sila ngayon, parang iniisip ko, ‘Totoo ba ‘to?’ And at the same time nag-lu-look forward ako na sana mas madami pa. Sana mas madami pa akong makatrabaho na mga hinahangaan ko at mga sinusubaybayan ko noon. Kasi ang dami ko rin natutunan sa kanila talaga,” she said.

READ: Juliana Parizcova Segovia, dumipensa kay Brenda Mage


Even after being hailed as the first-ever grand winner of It’s Showtime’s Miss Q & A in 2018, Juliana admitted there was still a lot of adjustment and pressure on her part with her latest role.

“Ako kasi sa tuwing may ginagawa akong movies, siyempre as a baguhan lagi akong may kaba, lagi akong may takot. Pero at the same time, lagi kong sinasabi nga, ayoko kasing may pagsisihan sa bawat gagawin kong pelikula. So every time na may makakatrabaho akong mga icons, mga beterano, lagi akong nagbabaon din ng sarili kong marka. Pressured ako na maka-work sila kasi alam ko kung gaano sila kahuhusay at kung gaano katataba ang utak nila. Pero hindi naman nila ako pinabayaan dahil hindi sila madamot sa pagbibigay ng oras mo to shine. Parang kung may maisip ka ibato mo tapos sasabihin nila kung okay at susuportahan nila ako. Isang malaking karangalan talaga ang makatrabaho ko itong trio na ‘to. Pero sana magkaroon pa ng mga susunod,” she said.

WATCH: Juliana Parizcova Segovia to Brenda Mage: “May kaibigan ka pa rin pag labas mo”

Trading on-the-spot dialogue with her co-stars was something Juliana said she had to learn fast on the set of their Vivamax film.

“Sa akin siguro ang pinaka-challenging kasi nga batikan sila, hindi ka puwedeng lalamya-lamya. Hindi ka puwedeng papahuli. So napaka-challenging sa akin na kapag may mga naiisip silang punchlines or adlibs kailangan makasabay ka talaga. Kailangan ma-gets mo yung mga mata nila na, ‘O Juliana ikaw anong banat mo sa amin?’ yung mga ganun. So mapapaisip ka din kung paano, kahit konti, mo sila masasabayan,” she added. 

With so many new comedians in the country, Juliana shared what she thinks makes her stand out from the rest.

“Hindi ko alam talaga kung ano yung meron ako na wala yung ibang comedian na mga kasabayan ko. Pero ang lagi ko lang iniisip siguro kasi and dami ng magagandang mukha na gay comedian sa industriya. Ang dami ring hindi magagandang mukha na gay comedian sa industriya. Pero what makes me stand out is siguro ako yung balanse yung mukha. Pero walang ngipin (laughs). Yung parang ako lang yung ganito,” she said jokingly. 

Watch the Vivamax Original movie Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie! O Sige! on Vivamax. Directed by Al Tantay.