• Home
  • Fresh Scoops
  • Dingdong Dantes is all praises for his ‘A Hard Day’ co-star John Arcilla.

Dingdong Dantes on working with John Arcilla: ‘Sobrang intimidating kaya nakakatakot’

Dingdong Dantes is all praises for his ‘A Hard Day’ co-star John Arcilla.

Dingdong Dantes on working with John Arcilla: ‘Sobrang intimidating kaya nakakatakot’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/02/2022 01:20 AM
Dingdong Dantes on working with John Arcilla: ‘Sobrang intimidating kaya nakakatakot’
Photo credits: @dongdantes on Instagram

Aminado si Dingdong Dantes na nakaramdam siya ng intimidation habang katrabaho ang award-winning actor na si John Arcilla sa pelikulang A Hard Day.

“Definitely, lalo na kung suot na niya yung character, sobrang intimidating niya. Yon lang masasabi ko.

“Pag suot na niya yung pulis character, sobrang intimidating kaya nakakatakot. I think it made the scenes more effective,” pahayag ni Dingdong.


Ang A Hard Day na Pinoy adaptation ng Korean hit movie  with the same title ay official entry ng Viva Films sa 2021 Metro Manila Film Festival na nagsimula noong Pasko, December 25, 2021.

Ayon pa sa aktor, mas naging memorable ang paggawa niya ng A Hard Day dahil si John ang naging kontrabida niya sa pelikula.

Kuwento niya, “Dito talagang day 1 pa lang hanggang dulo, eh, talagang hardcore action po siya. Kung mae-experience ko man ito, saan pa ba kung hindi kasama si ginoong John Arcilla.

“It made the experience more worth it dahil talagang pag nag-in character si Heneral. I call him Heneral parati pag nagkikita kami kasi talagang sobrang nakakatakot siya bilang his character.

“No wonder eh talagang Volpi Cup winner si ginoong John Arcilla whenever he wears his character talagang… Kumbaga, kung hindi ka napapa-action, mapapa-action ka talaga dahil sa husay niya talaga.”

READ: John Arcilla on his role in ‘A Hard Day’: ‘I don’t want to copy anyone’

Sobrang sinasaluduhan din ni Dingdong ang pagiging professional ni John pagdating sa kanyang trabaho. Isang humbling experience din daw na makatrabaho ang katulad ni John.

“Kaya nga yung masasabi ko, yung experience ko dito ay kakaiba talaga. It’s really humbling dahil ang dami mong natutunan sa bawat proyekto na ginagawa mo. I’m truly grateful na nabigyan ako ng Viva ng pagkakataon na siya yung makasama ko.

“Pumapasok siya sa taping nang puyat dahil tatlong project yata yung tinatapos niya noong time na yon—may Probinsyano, mayroon pang dalawang pelikula na kasabay, pero ni isang katiting na reklamo, ni katiting na ebidensiya na siya ay napapagod ay hinding-hindi mo makikita. So nakaka-inspire yung ganung mga actor.

“Napanood ko yung OTJ for the very first time, yung kabuuan at nakita ko talaga yung performance ni Heneral doon at talagang na-impress talaga ako. The small nuances of an actor, they really define, and they really paint a picture no matter how small the nuance is. 

“It paints the big picture of defining kung sino ka bilang character. At ang galing, napakahusay ni John Arcilla doon sa On the Job,” papuri niya sa co-actor.

READ: Dingdong Dantes confident that Filipino cinema viewing will thrive again

Ibinahagi rin ng aktor na kailangang maging handa ang sinuman kung si John ang kanilang makakaeksena.

Sabi niya, “Hindi ka pwedeng papetiks-petiks kasi pag nandiyan siya always on your toes. Baka may gawin siya tapos kailangan ready ka mag-react so very, very exciting na ganon yung aming set up.”

Idinagdag din ni Dingdong na gusto niya ulit makatrabaho ang Volpi Cup winner ng Venice kung mabibigyan ulit siya ng pagkakataon.