• Home
  • Fresh Scoops
  • AJ Raval, maraming natutunan mula sa pinagdaanan noong nakaraang taon.

AJ Raval, si Sean de Guzman ang kasamang nag-Pasko; priority ang self-love sa 2022

AJ Raval, maraming natutunan mula sa pinagdaanan noong nakaraang taon.

AJ Raval, si Sean de Guzman ang kasamang nag-Pasko; priority ang self-love sa 2022-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

01/01/2022 10:20 AM
AJ Raval, si Sean de Guzman ang kasamang nag-Pasko; priority ang self-love sa 2022

Sa bibig mismo ni AJ Raval nanggaling ang pahayag na hindi sila magkasama ni Aljur Abrenica na nag-celebrate ng Pasko. Si Sean de Guzman daw ang kasama niya nung Pasko.

“Magkasama kami ni Sean nung Christmas,” kaswal na pagtatapat ng dalaga.

Habang magkasama during Christmas ay pinag-usapan din daw nilang dalawa ang tungkol sa kani-kanilang plano sa career at kabilang na raw dito ang ma-recognize sila bilang mahuhusay na aktor.


Kuwento ni AJ, “Nag-usap kaming dalawa na gusto naman naming ma-recognize na magaling kaming umarte, hindi lang sa pagpapaseksi. Napag-usapan din namin ito bago kami nag-shoot ng Hugas so nag-prepare po kami talaga.”

Ang Hugas na idinirek ni Roman Perez Jr. ang ikatlong peliikula na pinagsamahan nina AJ at Sean. Una silang nagtambal noon sa pelikulang Nerisa na nasundan naman ng Taya.

BASAHIN: AJ Raval says she is ready to forgive her bashers: ‘Na-mi-misinterpret lang nila ako’

Aminado naman si Sean na hindi na sila nagkakailangan pa ni AJ sa tuwing meron silang love scenes o mga intimate na eksena sa Hugas.

Ani Sean, “Hindi na kami naiilang talaga. Wala na talagang ilang. Kung magkakitaan man kami ng kung anu-anong parte ng katawan namin, wala na kaming pakialam. Pero maganda naman yung kinalabasan ng lahat.

“Hindi na po kami nagkakahiyaan. Nagkakakitaan, oo. Pero nagkakahiyaan, hindi. Yung na-build naming friendship, kahit sa labas o sa likod ng kamera, sobrang solid namin ni AJ.”

Pinatotohanan din ito ni AJ nang sabihing, “Sa mga love scene namin, gaya ng sinabi niya, sobrang comfortable na kami sa isa’t isa. Hindi na kami nagkakahiyaan. So, lalong naging mas deep yung bonding namin, yung samahan namin.

“So, nung ginawa namin yung mga love scene, parang nandoon talaga yung love. Makikita niyo talaga yung love sa love scenes.”

Iginiit din ng dalaga na kahit super close sila ni Sean ay friends pa rin daw ang level ng kanilang relasyon hanggang ngayon.

“Yung mga secret, alam po namin yung mga secret namin sa isa’t isa. Mga problema, napag-uusapan namin. Kino-comfort po namin yung isa’t isa, pero friends lang po talaga kami,” sabi pa niya.

BASAHIN: AJ Raval admits to having breakdowns: ‘Nakakasira talaga ng mental health ang social media’

May mga hindi magagadang nangyari kay AJ sa taong 2021 pero marami raw naman siyang natutunan dito.

“Yung mga nangyari sa akin sa 2021, gusto ko na pong iwan yon. Pero dahil sa mga nangyari nung nakaraan, may mga natutunan po ako,” reaksyon ni AJ. 

Plano rin daw niyang ituloy-tuloy ang pagso-social media detox sa 2022 na naumpisahan na niyang gawin.

“Pagdating po ng 2022, wala na po akong social media, phone lang,” pangako pa niya.

Kasama rin daw sa plano niyang gawin sa 2022 ay ang tinatawag na self-love.

“More on sa sarili ko, self-love, improvement, lagi po akong magtatanong sa lahat ng bagay para lagi po akong may natututunan. Yung mga negative issue, siguro hindi ko na po papansinin,” huling pahayag ng anak ni Jeric Raval.