• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinagluksa ni Kiray Celis ang pagpanaw ng madreng nagpaaral sa kanya noong siya ay bata pa.

Kiray Celis, nagluksa sa pagpanaw ng madreng nagpaaral sa kanya

Ipinagluksa ni Kiray Celis ang pagpanaw ng madreng nagpaaral sa kanya noong siya ay bata pa.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/09/2021 10:38 AM
Kiray Celis, nagluksa sa pagpanaw ng madreng nagpaaral sa kanya
Photo credit: @kiraycelis Instagram

Ipinagluksa ni Kiray Celis ang pagpanaw ng isang madreng malapit sa kanya.

Sa Instagram, nag-post ang aktres ng mga retrato kasama si Sister Marina, kabilang na ang ilang throwback photos noong siya ay bata pa.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Kiray Celis (@kiraycelis)


"Iniwan na naman ako ng taong isa sa mga pinakamamahal ko... Sister Marina ko.. ba't mo 'ko iniwan? Sabi ko sa 'yo 'di ba bibilhan pa [kita] ng truck. Promise ko 'yun sa 'yo di ba? Ang bigat naman ng 2021," aniya.

Sa kanyang post, ibinahagi ni Kiray na isa si Sister Marina sa mga tumulong na magpaaral sa kanya noong hindi na siya kayang pag-aralin ng kanyang mga magulang sa private school.

"Sa mga hindi po nakakaalam, isa po si Sister Marina sa mga nagpaaral sa 'kin sa St. Paul... Hindi po ako kayang pag-aralin ng mga magulang ko sa private school nun. Pero tinulungan niyo ako ni Sister Theresia," paliwanag niya.

Sa huli ay ibinahagi ni Kiray ang kanyang madamdaming mensahe para kay Sister Marina.

"At ngayon... magkasama na kayo sa heaven. Alam ko happy na kayo kasi kasama niyo na 'yung one and only love niyong si Papa Jesus. Mahal na mahal ko kayo Sister. Habang tina-type ko 'to, iyak pa rin ako nang iyak. Miss na miss ko na mga yakap at halik mo. Durog na durog ako. Wala akong masabi kundi maraming salamat at mahal na mahal kita... Mahal na mahal Sister Marina," aniya.

PANOORIN: Kiray Celis, nakapagpundar na ng bahay sa Tagaytay?

Unang nakilala si Kiray, 26, nang maging parte siya ng sikat na kiddie gag show na Goin’ Bulilit.