• Home
  • Fresh Scoops
  • Tumangging magsalita ang aktres na si Heaven Peralejo tungkol sa isyung hiwalay na sila ng kanyang nobyo na si Kiko Estrada.

Heaven Peralejo tikom ang bibig sa balitang hiwalayan nila ni Kiko Estrada

Tumangging magsalita ang aktres na si Heaven Peralejo tungkol sa isyung hiwalay na sila ng kanyang nobyo na si Kiko Estrada.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/08/2021 12:47 PM
Heaven Peralejo tikom ang bibig sa balitang hiwalayan nila ni Kiko Estrada
Photo Credit: @heavenperalejo Instagram

Tumangging magsalita ang aktres na si Heaven Peralejo tungkol sa isyung hiwalay na sila ng kanyang nobyo na si Kiko Estrada.

Nitong Agosto lamang nang isinapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon, ngunit wala pang ilang linggo ay pumutok ang balitang hiwalay na sila matapos na mapansin ng netizens ang pag-unfollow ni Kiko kay Heaven at pagbura ng kanilang mga retrato sa kanyang Instagram account.

 


 

Ngunit tikom man ang kanyang bibig sa isyu, aminado naman si Heaven na tila "roller coaster" ang pinagdaanan niya nitong mga nakaraang buwan, kung kaya't nais muna niyang tutukan ang kanyang sarili.

“Right now, I’m in the phase of loving myself. No joke," ani ng aktres sa panayam ng ABS-CBN News. "Every morning and every night, nandoon ako sa mga affirmations. They say, ‘di ba, na ‘pag sinasabi mo ‘yan sa sarili mo, parang magnet iyon, so iyon ‘yung magiging buhay mo. Alam mo, ‘yung mga things na hindi ko alam na kaya kong gawin, nagagawa ko pala, in a good way."

BASAHIN: ICYMI: Kiko Estrada unfollows Heaven Peralejo on Instagram, deletes their photos

Samantala, aminado naman si Heaven na hindi niya inaasahang masasangkot siya sa kontrobersiya at makakatanggap ng matinding batikos mula sa mga bashers.

Matatandaang bago aminin ang kanyang relasyon kay Kiko ay nadawit ang aktres bilang "third party" sa hiwalayan ng aktor at dating nobya nito na si Devon Seron.

BASAHIN: Kiko Estrada, itinangging niloko ang ex na si Devon Seron

“In every aspect of life, hindi ka naman talaga magiging ready, kahit sabihin mong ready ka. Hindi mo naman makikita kung gaano ‘yung gravity ng isang bagay, especially, kunyari, when it comes to bashing, and kung paano pala makaka-affect iyon sa ‘yo and sa family mo," ani Heaven.

“Ako, I’ll say na hindi ako ready talaga. Though alam ko na meron, hindi ako ready," patuloy niya. "Ngayon, I’m getting used to it. Nag-a-adapt ako slowly."

Aminado mang nasasaktan siya sa mga batikos na natatanggap niya, hindi umano napanghihinaan ng loob si Heaven dahil alam niya kung ano ang totoo.

“My family knows the truth. Iyon lang naman ‘yung pinanghahawakan ko. Basta walang guilty conscience,” aniya.

“I guess for me, hindi ko na lang ipapa-affect ‘yung criticisms sa akin. More like, I’m going to find myself and I’m going to know more about myself and I’m going to love myself,” dagdag pa niya.

Nakatakdang mapanood si Heaven sa comedy series na Pasabuy kasama ang kapwa Pinoy Big Brother housemate na si Gino Roque.