• Home
  • Fresh Scoops
  • Isang nakakakilig na mensahe ang ibinahagi ni Chito Miranda para sa kaarawan ng kanyang asawa na si Neri Naig.

Chito Miranda, may mensahe para sa kaarawan ng asawang si Neri Naig

Isang nakakakilig na mensahe ang ibinahagi ni Chito Miranda para sa kaarawan ng kanyang asawa na si Neri Naig.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/08/2021 10:23 AM
Chito Miranda, may mensahe para sa kaarawan ng asawang si Neri Naig
Photo Credit: @chitomirandajr Instagram

Isang nakakakilig na mensahe ang ibinahagi ni Chito Miranda para sa kaarawan ng kanyang asawa na si Neri Naig. 

Sa kanyang Instagram nitong Martes, Setyembre 7, isang retrato ni Neri ang in-upload ni Chito.

 


 

"Happy Birthday, Ms. Neri!!! Alam ko sablay ako palagi pagdating sa mga birthday mo, pero promise, gusto ko talaga galingan," aniya.

"Just like with everything else, gusto ko talaga galingan para sa 'yo. Gusto ko maging the best na daddy kay Miggy at kay Cash. Gusto ko maging best na asawa. Gusto ko perfect ang score ko pagdating sa pag-alaga, at pag-asikaso sa’yo. Gusto ko feeling mo palagi kang safe dahil sa akin. Tuwing iniisip mo tayo, gusto ko secured ka na makakasama, at magtatawanan tayo hanggang sa pagtanda, at alam mo, without a doubt, na never kita papabayaan," dagdag niya.

Ibinahagi rin ng frontman ng bandang Parokya ni Edgar ang kanyang pangako para sa asawa.

"Aalaganan kita, and I will always cherish you, kasi ikaw ang greatest blessing sa akin ni God," aniya. "Happy Birthday, Ms. Neri!!!"

Samantala, sa kanyang Instagram page ay nagkwento si Neri tungkol sa kanyang masayang kaarawan.

 

 

"Happiest birthday so far. Simple celebration lang with my family. Chito surprised me with a cake pagkagising ko at kinantahan ako ng Happy Birthday kasama nila Miggy. Made a wish. Blew my candle. Gumawa sila ng personalized birthday cards sa akin. May pa-flowers na sobrang ganda. Breakfast in bed. Perfect birthday celebration na sa akin yan. Simple lang. Sa bahay lang, kumpleto kami, healthy at safe," ani Neri.

"Nag-order si Chito ng favorite steak ko. Sabay kami nag lunch. Tapos sunod sunod na may dumarating na gifts. Nag-arrange ako ng mga flowers, sa sobrang dami, lahat ng vases ko nagamit. Ang daming cake at lechon na dumating, nag-share ako sa staff ko at sa guards ng village namin. Kahit ang kalat ng bahay today dahil nasa nesting stage na ako, ok lang. Hindi uminit ulo ko kase masaya talaga ako today. Wala akong inexpect from anyone. Wala akong kina-stressan," dagdag niya.

Si Neri ay buntis ngayon sa pangalawang anak nila ni Chito.

Noong Mayo, masayang ibinalita ng mag-asawa na magkakaroon ulit sila ng lalaking anak at pinangalanan nila itong si Manuel "Cash" Alfonso.

BASAHIN: Chito Miranda and Neri Naig expecting a baby boy

Sa kanyang post, sinabi ni Neri: "Ang simple simple ng day ko. Medyo sumakit lang talaga likod ko kase nakasiksik na si Cash sa bandang ribs ko at panay galaw nya, hehe!

"Sinabi ko kay Chito na best birthday so far. Kahit walang ganap. Kase kuntento ako kung ano ang meron kami. Totoo talaga ang always count your blessings. Di man kami super yaman, tama lang kumbaga, pero masaya talaga ako kung asan kami ni Chito. Lalo pa at madadagdagan pa kami ng isa pang baby very soon! Thank you, Lord. I am genuinely happy sa buhay ko po ngayon. Thank you so much po."

Anim na taon nang kasal sina Neri at Chito.

Matapos ang kanilang civil wedding noong Disyembre 13, 2014, kinabukasan, Disyembre 14, ay muling ikinasal ang dalawa sa simbahan sa Tagaytay City.

Ang kanilang panganay na si Alfonso III o mas kilala bilang si Miggy ay pinanganak noong Nobyembre 2016.