• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinaramdam umano nina apl.de.ap at Jordan Andino kay KC Concepcion na ‘at home’ siya sa Amerika.

KC Concepcion, pinasalamatan ang kanyang mga ‘homeboys’ sa Amerika

Pinaramdam umano nina apl.de.ap at Jordan Andino kay KC Concepcion na ‘at home’ siya sa Amerika.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/07/2021 08:45 AM
KC Concepcion, pinasalamatan ang kanyang mga ‘homeboys’ sa Amerika
Photo Credit: @kristinaconcepcion Instagram

Malaki ang pasasalamat ng aktres at TV host na si KC Concepcion sa international singer na si apl.de.ap at sikat na Fil-Am chef na si Jordan Andino. 

 

 

Sa isang Instagram post nitong Sabado, Setyembre 4, ibinahagi ni KC kung paano ipinaramdam sa kanya nina apl.de.ap at Jordan na “at-home” siya Estados Unidos sa kabila ng pagiging malayo sa Pinas. 

Saad ni KC sa caption ng kanyang post: “My homeboys! The coolest peeps I can ask for. Thank you for always inspiring me & helping me make America feel like home. Love you both so much!” 

Tingnan ang larawan sa ibaba: 

 

 

Kilala si apl.de.ap bilang miyembro ng Black Eyed Peas at coach ng The Voice sa Pilipinas. 

Si Jordan Andino naman ay kilala bilang may-ari ng Filipino restaurant na Flip Sigi at host ng iba’t-ibang programa sa Food Network at Cooking Channel. 

Hunyo nitong taon nang lumipad si KC papuntang US upang makasama ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.

Nitong Hulyo lamang, pinuri ni KC ang Estados Unidos at sinabing isa ito sa pinakasafe na lugar tirhan ngayong may pandemya. 

 

 

Sa ngayon, wala pang ibinibigay na detalye si KC tungkol sa kanyang pagbabalik sa Pinas. 

Nitong Agosto lang, sinabi ni KC na willing siyang iwanan ang Pilipinas upang manirahan sa US habang buhay. 

READ: KC Concepcion willing to leave PH for the US

Bago lumipad si KC papuntang Amerika, nauna nang bumiyahe ang kanyang ina na si Sharon Cuneta na nanatili doon ng ilang buwan.