• Home
  • Fresh Scoops
  • Bagama’t maraming beses na nagreklamo sa kanilang biyahe, inamin naman ni Kim Chiu na sulit ang naging biyahe nila ni Xian Lim.

PANOORIN: Kim Chiu, sumama sa big bike ride ni Xian Lim

Bagama’t maraming beses na nagreklamo sa kanilang biyahe, inamin naman ni Kim Chiu na sulit ang naging biyahe nila ni Xian Lim.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/06/2021 07:08 PM
PANOORIN: Kim Chiu, sumama sa big bike ride ni Xian Lim
Screenshot from Kim Chiu PH YouTube Channel

Ibinahagi ni Kim Chiu sa kanyang pinakabagong vlog ang kanyang pagsakay sa big bike ng kanyang boyfriend na si Xian Lim. 

 

 

Ani Kim, nagdesisyon siyang ibahagi ang kanyang naging karanasan na sumampa sa big bike dahil ito ang kauna-unahang beses na sumakay siya dito.

“I am sharing with you my first experience na sumakay ng motorcycle with Xi. Nagpunta kami sa magandang place, magandang adventure. May konting haggardness lang along the way,” pagbabahagi ni Kim. 

Saad ni Kim: “Hindi na mauulit ‘tong pagmo-motor na ‘to. Napakainit po talaga,” ani Kim. Biro naman nito: “Ito ‘yung trip ni Xi, kaya sakyan natin.” 

Kim Chiu shares appreciation post for boyfriend Xian Lim

Bagama’t na-haggard sa kanilang long ride, inamin nito na sulit ang kanilang naging adventure. 

“Super nice. Worth it pala 'yung pagpunta natin dito. Hinusgahan ko kaagad. Hindi namin plinano ito. Breakfast lang talaga kami sa Buso-Buso but this is the view. Thank you Xi. Para kaming nasa Canada in Banff,” ani Kim. 

 

 

Dagdag pa niya: “Ang lakas makapanglalaki ng labanan. [Sulit] papunta doon at pauwi hindi kaya. Sobrang init.”

Pag-amin naman ni Kim, nakaramdam siya ng kaba lalo pa’t malaki umano ang sinakyan nilang motor at malayo rin ang binyahe nila ni Xian.  

“Siyempre kinabahan ako kasi ang laki laki ng motor mo parang kabayo. Tapos ang layo pa ng pupuntahan natin pero that was super fun so thank you,” saad ni Kim. 

LOOK: Xian Lim shares new cozy photos with Kim Chiu

Gayunpaman, sinabi ni Kim na ginawa pa rin niya ito para mapasaya ang kanyang boyfriend. 

“Enjoy naman ako kahit papaano pero mas okay sa akin na happy ka na sumama ako sa 'yo. 'Yun na lang ang pinanghahawakan ko Xi na sumama ako sa 'yo. Pero sobrang ganda nung view,” ani Kim. 

Panoorin ang vlog sa ibaba: 

Samantala, sinabi naman ni Xian na hindi na niya muling hihilahin si Kim sa mga mahahabang biyahe lalo na kung hindi maganda ang panahon.