• Home
  • Fresh Scoops
  • Bumuhos ang pakikiramay ng iba’t-ibang artista para kay Raymund Isaac.

Pagpanaw ng celebrity photographer na si Raymund Isaac, ipinagluksa ng mga artista

Bumuhos ang pakikiramay ng iba’t-ibang artista para kay Raymund Isaac.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/06/2021 03:54 PM
Pagpanaw ng celebrity photographer na si Raymund Isaac, ipinagluksa ng mga artista
Photo credit: @raymundisaac Instagram

Nagdadalamhati ang mundo ng showbiz matapos pumanaw ang sikat na photographer na si Raymund Isaac. 

Kinumpirma ang pagpanaw nito ng kapatid mismo ni Raymund na si Edward sa isang Facebook post. 

“To those who prayed with us in different parts of the world for Raymund, thank you. He will be missed by many most of our family and those he touched," ayon sa Facebook post.


Base sa posts ng partner ni Raymund, COVID-19 ang kinamatay ng tanyag na celebrity photographer. 

Sa isang Facebook post naman ni Raymund noong Hulyo, humigi ito ng panalangin sa kanyang mga kaibigan matapos nitong makuha ang sakit na COVID-19. 

"Friends I need all your prayers now. I was rushed to CMPC SAN FO hospital this morning due to lack of oxygen. I am alone here in the hospital due to Covid rules. It's scary to be in a place where you don't know anyone. Include me please in your prayers," ani Raymund. 

Ngunit ayon sa partner ni Raymund na si Jayson Vicente, nilipat din ang sikat na photographer sa Intensive Care Unit (Unit) makalipas ang isang linggo. 

“They need to monitor strictly his oxygen. Please keep the prayers coming,” ani Jayson. 

Nitong ika-28 ng Agosto lamang, sinabi ni Jayson na stable na umano ang kalagayan ni Raymund. 

“He remains in the ICU intubated & sedated. The medical team monitors his condition closely & I receive regular reports on his O2 levels, BP, & other organ functions. Though his condition changes periodically. I know that he is fighting hard. We all need to continue to fight with him through our prayers.  He still needs us all,” ani Jayson.

Dagdag pa nito: "From Day 1 your prayers, concern and care has been our source of strength. God has been continuously blessing us with 'angels.' We really appreciate your prayers, unconditional support and love. Please be by our side until Menmen is out of the hospital. Thank you. Stay well. God bless!” 

Ang nasabing post ni Jayson ang huling post niya tungkol kay Raymund. 

Samantala, ipinaabot naman ng mga nakatrabahong artista ni Raymund ang kanilang pakikiramay para sa yumaong litratista. 

Ilan sa mga kilalang personalidad na nagpaabot ng kanilang pakikiramay ay sina Jim Paredes, Dingdong Avanzado, at Team Kramer.

Maging ang bandang True Faith ay nagpaabot din ng kanilang pakikiramay kay Raymund na siyang kumuha ng kanilang litrato para sa dalawa nilang albums na nilabas nila noong 1994 at 1996. 

Isa rin ang award-winning theater actress at singer na si Lea Salonga sa mga taong inalala ang kabutihan ni Raymund. 

“I love you, Raymund, and thank you for your kindness through the years,” ani Lea. 

“Dagdag pa nito: Condolences to Jayson Vicente (@chocol8tman) and the whole Isaac clan. I hold you all in my heart.” 

Nakilala si Raymund sa mundo ng photography partikular na sa mga tao sa loob ng entertainment industry.