• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa si Zephanie sa napili bilang kalahok sa gaganaping boot camp ng grupong Now United sa Abu Dhabi.

Zephanie, lilipad papuntang Abu Dhabi para sa boot camp ng international pop group na Now United

Isa si Zephanie sa napili bilang kalahok sa gaganaping boot camp ng grupong Now United sa Abu Dhabi.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/05/2021 09:44 AM
Zephanie, lilipad papuntang Abu Dhabi para sa boot camp ng international pop group na Now United
Photo credit: @zephanie Instagram

Handa nang magpakitang-gilas sa international stage ang Idol Philippines grand winner na si Zephanie. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Zephanie (@zephanie)

Sa isang Instagram post, kinumpirma ng international pop group na Now United na isa si Zephanie sa mga napili sa buong mundo na maging bahagi ng kanilang boot camp na gaganapin sa Abu Dhabi. 


"We are announcing the 12 amazing Uniters who will be going to the Now United Creative Hub in Abu Dhabi!! First up, say hello to @zephanie from  [Philippine flag emoji]!" saad ng Now United sa kanilang Instagram post. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by NOW UNITED (@nowunited)

Ibinahagi din ni Zephanie sa kanyang mga tagahanga ang masayang balita. 

"FINALLY! I can shout it out that I am going to Abu Dhabi for #CampNowUnited Boot Camp!!!! This is definitely going to be a great and exciting journey! Looking forward to [get to know] everyone," ani Zephanie. 

READ: Zephanie Dimaranan marks Moving Up Day

Ayon naman sa entertainment reporter ng ABS-CBN na si MJ Felipe, lilipad patungong Abu Dhabi si Zephanie ano mang araw ngayon.

“Idol Philippines grand winner Zephanie Dimaranan will leave anytime for Abu Dhabi to join the boot camp of global pop group Now United,” ani MJ.

Dagdag pa nito, nag-audition si Zephanie ilang buwan lamang ang nakalilipas. 

“According to Zephanie's management, the 18yr old singer responded to the call for auditions by Now United months back,” saad ni MJ. 

Sa ngayon, hindi pa umano malinaw kung ano ang gagawin nI Zephanie sa boot camp at kung hanggang kailan ito magtatagal doon. 

"Zephanie and her team were completely surprised by the announcement of Now United. It is still unclear though, what exactly Zephanie will be doing in the boot camp, how long will she stay in Abu Dhabi, and plans after the camp," ani MJ. 

Maliban kay Zephanie, isa pang Pinay na base sa Estados Unidos ang nakapasok sa nasabing boot camp. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by NOW UNITED (@nowunited)

Isa sa mga kilalang miyembro ng Now United ang dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Bailey May.