• Home
  • Fresh Scoops
  • Fake news umano ang kumakalat na balita na tatanggalin na si Kim Chiu sa ‘It’s Showtime.’

Kim Chiu, sinagot ang isyu na tatanggalin na siya sa ‘It’s Showtime’

Fake news umano ang kumakalat na balita na tatanggalin na si Kim Chiu sa ‘It’s Showtime.’

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/05/2021 08:44 AM
Kim Chiu, sinagot ang isyu na tatanggalin na siya sa ‘It’s Showtime’
Photo credit: @chinitaprincess Instagram

Nagsalita na ang isa sa mga mainstay hosts ng It’s Showtime na si Kim Chiu tungkol sa mga kumakalat na spekulasyon tungkol sa kanyang pagiging host sa noontime variety show. 

Ayon sa mga kumakalat na tsismis sa social media, nanganganib umano si Kim bilang host sa sikat na programa ng ABS-CBN. 


Sa segment na “Madlang Pi-Poll” na umere nitong Biyernes, Setyembre 3, sinagot ni Kim ang nasabing isyu nang sabihang magbahagi ng isang “fake news” na nabasa niya tungkol sa kanya. 

BASAHIN: Kim Chiu officially joins ‘It's Showtime’ as new host

“Tatanggalin daw ako dito,” tugon ni Kim kay Vice Ganda. Sambit pa ni Kim: “Araw-araw kasi ‘yun eh. Ang sakit din sa ulo.”

Matatandang Setyembre noong nakaraang taon na opisyal na inanunsyo si Kim bilang bahagi ng sikat na noontime variety show. 

Nagsimulang kumalat ang tsismis ng mapansin ng mga tagahanga ni Kim na hindi na ito lumalabas sa mga segment kung saan isa siya sa mga nakatoka bilang host. 

Gayunpaman, marami ang natuwa nang muli itong mag-host ng mga segment gaya ng “Reina ng Tahanan” at “Madlang Pi-Poll” nitong linggo.

Samantala, wala pang balita kung kailan muling babalik si Anne Curtis sa programa.