• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinabulaanan ni Joy Reyes ang pagiging dahilan umano niya ng hiwalayan nina Paolo Contis at LJ Reyes.

Joy Reyes, nagsalita sa pagkakadawit sa isyu nina Paolo Contis at LJ Reyes; bumanat sa dating asawa

Pinabulaanan ni Joy Reyes ang pagiging dahilan umano niya ng hiwalayan nina Paolo Contis at LJ Reyes.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/05/2021 08:58 AM
Joy Reyes, nagsalita sa pagkakadawit sa isyu nina Paolo Contis at LJ Reyes; bumanat sa dating asawa
Photo credit: @lj_reyes, @joyfullyenjoyingjoy and @paolo_contis Instagram

Diretsahang sinagot ni Joy Reyes ang mga isyung kumakalat na siya ang dahilan ng hiwalayan nina Paolo Contis at LJ Reyes. 

Sa isang Instagram post, tinuldukan ng dating partner ni Jomari Yllana ang mga spekulasyon tungkol sa umano’y namamagitan sa kanila ng aktor na si Paolo Contis. 


Sey ni Joy, hindi niya personal na kakilala si Paolo Contis. Dagdag pa nito, gawa-gawa lamang umano ang kwento na nag-uugnay sa kanilang dalawa ni Paolo. 

“First and foremost, I've never known the guy personally. The topic of linking me to the guy is just a fabricated story, a fragment of imagination of the person with unstable mind,” saad ni Joy. 

Naging usap-usapan kamakailan ang hiwalayan nina Paolo at LJ lalo na nang nagsalita ang huli tungkol sa nasabing isyu.

“Kung hindi matibay ‘yung pagmamahal ko sa mga anak ko para maging motivation siya sa akin to stand up and wake up every day, hindi ko po alam kung saan ako pupulutin,” ani LJ. 

“Kailangan ko po ilayo ang mga bata kasi kailangan po na maprotektahan ko sila na magkaroon kami ng healthy and safe environment. Para po sa mga bata ‘yun. Not just for me. Ako po, kaya ko po ‘yun eh,” sey pa nito. 

BASAHIN: LJ Reyes, binasag ang katahimikan sa hiwalayan nila ni Paolo Contis

Ibinahagi din ni LJ na sinubukan nitong ayusin ang kanilang relasyon ni Paolo. 

“The past several months, ‘yun po ang ginagawa ko. Umabot sa point na nag-break na po kami. After a few days, na-realize ko na 'di pwede ganito,” ani LJ. 

Dagdag pa niya: “Nagbaba ako ng pride kahit ako 'yung nasasaktan. Inisip ko baka kailangan nila ng complete family. Tinanong ko siya, 'if you want to take us back.' Pero hindi na raw.” 

Joy, bumanat sa dating partner

Samantala hindi rin naiwasan ni Joy na bumanat sa ama ng kanyang mga anak. Ani Joy, busy siya sa paghahanap ng pambayad sa kanyang mga bayarin sa bahay at pangangailangan ng mga anak nitong lalaki dahil hindi umano ito minsan na nagbibigay ng pera para sa kanila. 

Bagama’t hindi pinangalanan, alam ng karamihan na si Jomari Yllana ang ama ng kanyang mga anak.

“To the fans of the people involved, think first. How can I be the 3rd party if they are spotted together somewhere while I am here in QC thinking about all the bills & other necessities that the father of my baby boys is not paying on time and is not paying at all,” ani Joy. 

BASAHIN: Ex live-in partner ni Jomari Yllana, naputulan ng kuryente dahil sa kakulangan ng suporta ng aktor

Nitong Enero lamang, ibinahagi ni Joy na naputulan sila ng kuryente dahil sa kakulangan ng suporta mula sa aktor.