• Home
  • Fresh Scoops
  • Kasalukuyang nasa Singapore si Rhen Escano para sa kanyang international movie.

Rhen Escano may ginagawang international movie sa Singapore

Kasalukuyang nasa Singapore si Rhen Escano para sa kanyang international movie.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/04/2021 04:03 PM
Rhen Escano may ginagawang international movie sa Singapore
Photo Credit to MM2 Entertainment

Masayang ibinahagi ni Rhen Escano na bukod sa pelikula niyang Paraluman sa Viva Films na pinagbibidahan nila ni Jao Mapa ay ginagawa rin niya ngayon ang ang  isang international movie titled Sunday sa Singapore. In fact, sa ginanap na digital presscon para sa Paraluman na ipapalabas sa September 24 ay nasa Singapore pa siya para sa halos dalawang buwan na shooting.

Base sa kuwento ng dating FPJ’s Ang Probinsyano star, 2020 pa siya nag-audition sa pelikula. Marami rin daw silang sumalang sa audition pero masuwerteng siya ang napili. Gaganap si Rhen bilang isang Pinay domestic helper na nagtatrabaho sa Singapore sa Sunday. Makakasama niya naman dito ang Vietnamese actor na si Ho Thanh Trung.

“It’s a love story, kung paano masu-survive ng dalawang characters na yon. Nakatutuwa kasi mapo-portray mo yung mga kababayan nating nagtatrabaho sa ibang bansa para sa mga pamilya nila. Nakatutuwa siyang gawin,” kuwento ni Rhen tungkol sa character niya.


READ: Coco Martin naka-relate sa pinagdaanan ni Rhen Escano

Thirty days mananatili sa Singapore si Rhen pero naka-10 shooting days na raw siya kaya 20 days na lang at matatapos na ang pelikula.

“Grabe, nakatutuwa na marami akong nae-experience na mga bagong bagay na hindi usual na ginagawa natin sa Pilipinas o hindi ko na-experience sa atin. Marami akong nakikilalang mga tao at excited po talaga ako.

“Mapapanood ito, lalo na sa bansa natin. Sana abangan ng lahat dahil special itong project na ito for me,” lahad pa niya.

Huling napanood ang Viva artist sa Kapamilya action series na FPJ’s Ang Probinsyao. Ginagamanan niya dito ang karkter ni Clarisse, ang babaeng matindi ang paghanga kay Coco Martin bilang si Carlo Dalisay.

READ: Rhen Escano nagpasalamat kay Coco Martin sa bonggang death scene sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Pagdating naman sa Paraluman, aminado si Rhen na hindi naman siya nahirapang gawin ang ilang mga sensitibong eksena kasama ang nagbabalik na actor na si Jao.

“Siyempre noong binasa ko po yung script, aware po akong may mga gagawin kaming sensitive scenes, so ayon po talaga yung pinag-usapan namin ni Direk Yam (Laranas). Importante po kasi na ma-pull off yung mga sensitive na eksana,” paliwanag ng dalaga.

Patuloy niya, “Happy po ako and maswerte po ako na si Direk Yam po talaga ang gumawa no’n na sobrang bilis. One take lang po talaga yung mga love scenes na mapapanood niyo, so yon talaga ang dapat abangan kung paano namin nagawa na one take lang,

“Siyempre, hindi naman po nawawala yung kaba lagi pag may mga ganung eksena pero I really have to trust my director, my co-actor. Makikita niyo naman po sa mismong love scene kung may ilang factor ba.”