PANOORIN: Team Kramer, may sariling mini theater, arcade sa kanilang bahay

Marami ang bumilib sa bahay ng Team Kramer.

BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/04/2021 11:19 AM
PANOORIN: Team Kramer, may sariling mini theater, arcade sa kanilang bahay
Screenshot from TEAM KRAMER YouTube Channel

Marami ang namangha sa bahay ng Team Kramer nang ipasilip ni Doug Kramer ang kanyang mancave.

Maliban sa pagkakaroon ng sariling coffee corner sa loob ng kanilang bahay, mayroon ding mancave si Doug kung saan mayroong billiard table at arcade games sa loob mismo nito.

READ: PUSH X LIFESTYLE: Cheska Garcia-Kramer teaches kids life skills while on lockdown


Dito, nakahilera din ang iba’t-ibang collectibles ni Doug gaya ng mga laruan at iba pang koleksyon ng kanyang paboritong mga karakter mula sa Marvel.

Ngunit isa marahil sa pinakakinabiliban ng mga netizens ay ang mini theater ng pamilya Kramer kung saan napapanood nila ang kanilang mga paboritong pelikula nang parang nasa loob lang sila ng isang sinehan.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Doug Kramer (@dougkramer)

 

Madalas ding mag-bonding ang mag-asawa na sina Cheska at Doug sa nasabing mini theater. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Doug Kramer (@dougkramer)

 

Nitong taon lang, ipinasilip ni Doug ang ginawa nilang pagpapaganda sa kanilang kanilang movie theater. Kumpleto ito sa iba’t-ibang kagamitan na halos katumbas ng mga nakikita sa mga malalaking sinehan.

Noon pa man ay marami nang bumibilib sa bahay ng Team Kramer dahil sa ganda at lawak nito.

READ: Team Kramer to transfer to their new home soon

Taong 2019 nang lumipat ang pamilya Kramer sa bahay nila na inabot ng dalawang taon sa pagpapagawa.