Dala marahil ng kaba, tila hindi na-balanse ni 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo ang kaniyang naging pagrampa sa entablado ng Miss Universe Philippines coronation night sa Henann Beach Resort sa Bohol.
Sa isang bahagi ng final walk ni Rabiya nitong September 30, makikita ang tila pagkawala sa balanse ng 2020 Miss Universe Philippines habang rumarampa suot ang gold evening gown.
Sa uploaded video ng Facebook user na si Kier Lozada-Elizalde Vistal, napansin nito ang pagkadapa ng former Universe Philippines.
“THANKS Rabiya Mateo SA PAGREPRESENTA NG ATING BANSAANG GANDA MO
ANG TUNAY NA QUEEN PAG NADAPA AY DAPAT BABANGON UWUUUU,” caption ng Facebook user sa post na pinuri ang mabilisan na pagbangon ni Mateo sa pagkakadapa.
Meanwhile, idinaan naman sa masayang biro ni 2014 Miss Universe Philippines na si Mary Jean Lastimosa ang naging pagkakadapa ng kaniyang Miss Universe Philippines sister.
Sa Twitter post, sinabi ng former Miss Universe Philippines na “Sinadya mo yung padapa noh? Very clazzz ehhh! Hartesta ka na gid ya dai labyu ga!,” sambit ni MJ sa post kalakip ang heart emoji na tila sumisimbolo sa pagmamahal niya sa kaibigan.
Sinadya mo yung padapa noh? Very clazzz ehhh! Hartesta ka na gid ya dai labyu ga! 😍#muph2021 pic.twitter.com/cW6AxXRCbK
— MJ Lastimosa (@MJ_Lastimosa) September 30, 2021
Ang magiging pambato ng Pilipinas sa 70th Miss Universe Pageant ay lalaban sa coronation night na gaganapin ngayong December sa Eilat, Israel.