• Home
  • Fresh Scoops
  • Isinugod sa emergency room ang aktres na si Aiko Melendez matapos na aksidenteng tumama ang kanyang ulo sa lababo dahil sa sobrang pagkakahilo.

Aiko Melendez isinugod sa ER matapos maaksidente

Isinugod sa emergency room ang aktres na si Aiko Melendez matapos na aksidenteng tumama ang kanyang ulo sa lababo dahil sa sobrang pagkakahilo.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/03/2021 12:43 PM
Aiko Melendez isinugod sa ER matapos maaksidente
Screenshot from Aiko Melendez YouTube Channel

Isinugod sa emergency room ang aktres na si Aiko Melendez matapos na aksidenteng tumama ang kanyang ulo sa lababo dahil sa sobrang pagkakahilo.

Base sa kwento ng aktres sa kanyang pinakabagong vlog, kumakain siya ng spicy Korean ramen nang bigla na lang sumama ang kanyang pakiramdam.


"Nung kinakain ko siya, I felt na 'yung tiyan ko parang bumabaligtad na kasi sobrang spicy," aniya. "Pero bilang matigas ang ulo ko, pinipilit ko pa rin siya na kainin. Until finally, na-barf ako. So sabi ko, parang feeling ko gusto kong ilabas 'yung nakain kong spicy part. Nung nag-exert ako ng effort sa sink, pagganun ko, bigla na lang parang nahilo ako, and then 'yun, tumama na 'yung ulo ko sa sink.

"Pagtama sa sink, next thing I know, nakahiga na ako sa sahig. And then my sister kept on shouting, 'Ate! Ate! Ate! Ate!' Kasi 'yung blood, which was gushing sa head ko... Ganun pala 'yun kapag may putok or may sugat ka sa ulo na malaki, hindi mo pala mararamdaman na may dugo na tumutulo or may pain. Kasi parang na-blackout ako. Nung nakita ko sa sister ko, sabi ko, 'I'm okay. I'm fine. Don't panic.' Ginaganun ko siya kasi 'yung sister ko was really frantic already, and then si Marthena was rushing... si Andre andun na."

BASAHIN: Aiko Melendez, ex-husband Martin Jickain reunite for daughter's birthday

Dahil dito, isinugod si Aiko sa hospital kung saan agad siyang in-X-ray at tinahi ang kanyang sugat sa ulo. 

"Sa ikatlong hospital, finally nakahanap kami ng hospital na hindi gaanong jampacked, and I'm so blessed kasi 'yung hospital na 'yun, hindi tumatanggap ng COVID patients. So sobrang medyo nabawasan 'yung anxiety ko," aniya.

"In-X-ray 'yung ulo ko kasi SOP (standard operating procedure) 'yun para malaman kung may fracture. I'm still blessed walang fracture, kasi 'yung sugat ko almost doon na sa mata ko, eh. Konting konti na lang. Sabi ng doctor, buti na lang hindi natamaan 'yung nerve ko sa mata. I'm still blessed. Sobrang nagpapasalamat ako Panginoon dahil hindi po na-damage 'yung mata ko," dagdag niya.

Nilinaw naman ng aktres na hindi totoo ang bali-balitang nabugbog o nakipag-away siya kaya siya may tahi sa noo.

"'Yun, 'yun po ang nangyari sa akin. Hindi po totoo ang tsismis na nasapak po ako. Hindi po totoo kasi sino namang sasapak sa akin? Hindi po, tumama talaga ako sa sink kaya pumutok siya. Siguro naman doon sa mga nagkakalat na nakipag-away ako or anything, it's unfair. Don't speculate and make up things na hindi totoo. Kasi hindi makakaganda at hindi makakabuti sa ating lahat 'yan," aniya.

Sa huli, nagpasalamat si Aiko sa mga tumulong at nag-alala sa kanya, kabilang na ang kanyang mga taga-suporta.

Samantala, ang kasintahan ni Aiko na si Zambales Vice Governor Jay Khonghun ay agad din siyang pinuntahan para maalagaan.

“My Private Nurse just in time ♥️♥️♥️ Baby @vicegov_jaykhonghun Thanks for being here for me when I need you the most #partnersforlife,” ang pinost ni Aiko sa kanyang Instagram.

 

 

Si Aiko ang isa sa mga bida sa sikat na Kapamilya teleserye na Wildflower. Napanood din siya sa drama-fantasy series na Bagani.