• Home
  • Fresh Scoops
  • Magkasabay na nagpa-rehistro ang napapabalitang magkasintahan na sina Julia Montes at Coco Martin para makaboto sa darating na halalan.

Julia Montes at Coco Martin, sabay na nagparehistro para makaboto sa halalan

Magkasabay na nagpa-rehistro ang napapabalitang magkasintahan na sina Julia Montes at Coco Martin para makaboto sa darating na halalan.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/29/2021 10:22 AM
Julia Montes at Coco Martin, sabay na nagparehistro para makaboto sa halalan
Screenshot from @montesjulia08 Instagram

Magkasabay na nagpa-rehistro ang napapabalitang magkasintahan na sina Julia Montes at Coco Martin para makaboto sa darating na halalan.

Sa Instagram nitong Miyerkoles, September 29, isang video ang ipinost ng aktres kung saan makikita ang ilang retrato na kuha habang nagpaparehistro sila ng aktor sa isang sikat na mall.

"Somewhere inside of all of us is the power to change the world - Roald Dahl", ani Julia sa kanyang post.


 

 

Gamit ang mga hashtag na #BotoPilipinas at #MagparehistroKa, hinikayat din ng aktres ang kanilang mga taga-hanga at taga-sunod na magparehistro na upang makaboto sa susunod na halalan na nakatakda sa 2022.

BASAHIN: Julia Montes, dean’s lister sa kanyang school

Bukod kina Julia at Coco, kabilang din sa mga sikat na artistang nagparehistro para sa nalalapit na halalan ay sina Judy Ann Santos at Gary Valenciano.

"Parehistro na po ang mga hindi pa nagreregister... Let’s all UNITE and VOTE," ani Judy Ann sa kanyang post. 

 

 

Kasama ng aktres na nagpa-rehistro ang kanyang mister na si Ryan Agoncillo.

"The first step in making sure our voice is heard. You have till Thursday. Head out and register," ani naman ni Ryan.

 

 

Samantala, sa kanyang post, sinabi ni Gary: "Voter registration ends soon! I’m finally registered. Thanks to the Antipolo government for all the support! Every vote counts my friend. Let's do our part in choosing our next set of leaders. I am praying for wisdom and discernment for all of the voters and for the leaders of our country."

 

 

Ilan pa sa mga personalidad na nagparehistro na rin ay sina Pia Wurtzbach, Maris Racal, Ruffa Gutierrez, Michael de Mesa, Janine Berdin, at Jed Madela.

Maging sina Arlene Muhlach, Miles Ocampo, Maxine Medina, Dani Barretto, Claudia Barretto, Pepe Herrera, at Alora Sasam ay mga rehistradong botante na rin.

Hanggang Huwebes, Setyembre 30, na lamang pwedeng magparehistro. Para sa mga nais magparehistro, magtungo lamang sa irehistro.comelec.gov.