• Home
  • Fresh Scoops
  • Actress-turned-politician Vilma Santos talks about her 59-year showbiz journey and favorite movie trivia in her first ever YouTube vlog.

Vilma Santos reveals her favorite movie trivia with John Lloyd Cruz: ‘Masakit din yung sampal niya’

Actress-turned-politician Vilma Santos talks about her 59-year showbiz journey and favorite movie trivia in her first ever YouTube vlog.

BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

09/27/2021 08:40 AM
Vilma Santos reveals her favorite movie trivia with John Lloyd Cruz: ‘Masakit din yung sampal niya’
Photo credit: Vilma Santos - Recto YouTube Channel and @johnlloydcruz83 Instagram

In her very first YouTube vlog posted last September 26, Vilma Santos-Recto started off the half hour video sharing why she decided to start vlogging this year.

“Ipapakita ko sa inyo yung pinaghirapan ko, yung blood, sweat, and tears na trinabaho kumbaga. Alam ko hindi maganda yung panahon natin ngayon. Gusto ko lamang mag-share sa inyo ng isang positive energy na kahit na dumaranas yung mga kababayan natin, tayong lahat sa isang malaking pagsubok. Pati nga ho kami. And it’s not easy. Pero kung may ma-i-she-share man ako sa inyo na positive energy, yun ang gusto ko gawin ngayon. Pagbigyan niyo na ako. Paapasayahin ko kayo,” she said.

READ: Luis Manzano, nag-Zumba kasama ang inang si Vilma Santos


In the Q & A section of the video, Ate Vi’s eldest son Luis Manzano assisted her with questions and the “Mamskie for All Seasons” stated that she has already made 200 to 300 films throughout her career in showbiz.

“Kasi naman I started nine years old. Ibig sabihin child actress. Yung mga unang pelikulang ginawa ko mga anak anak lang ako. Tapos dumating ako dun sa age na alanganin. Hindi mo alam kung ako ay dalaga or kung ako’y bata. I was lucky I guess because at that time nung alanganin yung edad ko, 11 years old and 13 years old, I was able to do one international film na The Longest Hundred Miles na shinooting ko sa Gubat, Sorsogon. So yung alanganing age na yun nagtrabaho pa rin ako.

“And then dumating ako sa age na 15, 16, and yun naman yung mga love teams. Yan naman yung naging ka-love team ko si Bobot, si Edgar Mortiz. Aaminin ko, si Bobot ang first boyfriend ko. Yan na ang childhood boyfriend ko si Bobot. yan yung mga pelikula na kakanta lang kami sa ilalim ng puno tapos na. Basta nagkaibigan yung love team, kumanta lang, the end na yung pelikula,” she recalled.

READ: Vilma Santos, inalala ang naging reaksyon ng anak na si Luis sa hiwalayan nila ni Edu Manzano

Iconic roles

It was in her later teen years that the veteran actress said she was lucky enough to play two iconic roles onscreen.

“Tapos dumating naman ako nung 18, 19 years old that was the time I did Dyesebel. That was the time I also did my first Darna movie, Lipad Darna Lipad. Ang maging Dyesebel at maging Darna ay isa sa mga inaasam ng ating mga artista. Tatak ito ng Pinoy eh. Very iconic roles. And then after that, when I was 21 yun ang turning point ng career ko. Na sinabi nila na, ‘Hindi naman puwedeng ganun na lang ang gagawin mong pelikula, Vi. Dapat ipakita mo naman na isa kang aktres.’ And that was the time I took the risk of doing Burlesk Queen. Directed by Celso Ad Castillo. Storya ng isang burlesk dancer at yung tinatawag nilang teatro ng mga mahihirap,” she shared.

READ: Vilma Santos elated over Luis Manzano-Jessy Mendiola engagement

Having been raised by the RVM sisters of Saint Mary’s Academy during that time, Vilma admitted it was difficult to get their permission to show some skin onscreen starting with her costume in Darna.

“Malaking pakiusapan at paliwanagan sa mga sisters na nasa story yun. Na hindi ibig sabihin Burlesk Queen literally burlesk. It’s a story of a young girl na napasok sa teatro. Pero pinakita kung gaano ka-importante ang teatro para naman sa mahihirap at hindi pang-elitista. A beautiful and very relevant film Burlesk Queen. That was the turning point of my career. Nanalo ako ng mga award doon. And since then, modesty aside, kinilala na tayong aktres and then dumating na yung mga very meaningful and relevant roles sa akin after that,” she added.

Even though she has sealed her status as the Star for All Seasons in showbiz history, Vilma gave credit to her earlier directors for shaping her into a formidable and respected actress.

“Masuwerte kami na yung mga artists noong ‘80s kasi nabigyan kami ng pagkakataon na makatrabaho yung mga tinatawag na ace directors. Marami tayong magagaling na ngayon na director, yung mga bago natin, very creative, at yung creativity nila sumusunod sa panahon. Pero nung era ng ‘80s, ito yung mga ace directors like Ishmael Bernal, Lino Brocka, Celso Ad Castillo, Mike De Leon. Isa ako sa napakasuwerteng artista na na-i-direct ng magagaling na director st siguro sila yung napakalaki yung natulong sa akin kung paano ako nagkaroon ng tinatawag na longevity. Kasi madali naman sumikat eh. Overnight puwede ka sumikat, maganda ka lang at naging sexy ka. Gumawa ka ng isang blockbuster, the next day tingin sa ‘yo superstar na. Pero ang usapan kasi yung pangmatagalan. I was blessed enough that I was given beautiful roles,” she explained.

Movie Classics

With an acting career spanning almost six decades, Vilma shared that films like Relasyon, Bata, Bata , Paano Ka Ginawa?, Dekada ’70, Anak, Ipagpatawad Mo, The Dolzura Cortez Story were pivotal to her.

“All of these are mga paborito kong pelikula. Kasi parang nabigyan ko ng magandang imahe ang mga kababaihan. Ang kababaihan ay dapat mayroong karapatan sa lahat ng bagay,” she said.

Sharing some behind-the-scenes movie trivia, Vilma recalled how the iconic slapping scene between her and Carlo Aquino (who played her eldest child in Bata, Bata Paano Ka Ginawa?) happened.

“Nung unang in-offer sa akin nun, pagkabasa ko pa lang, alam ko ako na yun (laughs). Alam ko yun eh award-winning novel ni Lualhati Bautista. Sabi ko ako ito ah. Yung dalawang anak na nagkataong magkaiba yung ama. Pero pinatunayan niya na hindi yun ang issue. Ang issue ay kung paano ka mananatiling isang mabuting ina. Alam mo nung kinunan namin yung eksena na may, ‘Akala mo lang wala pero meron, meron, meron!’ Walang rehearsal yun. Wala kaming idea kung gaano kalakas yung sampal na gagawin ko kay Carlo and si Carlo walang idea kung gaano kalakas ang sampal na darating sa kanya (laughs). Dahil sa emotion ko kasi ang taas na ng emotion ko eh, galit ako di ba?  Nakita kong nagbibilyar yung anak ko eh. Minotivate pa kami ni direk. Kaya yung sampal ko talaga kay Carlo malakas. Yung reaction ni Carlo totoo. Alam ko nasaktan yung bata. Nakita niyo yung reaction din kung gaano kagaling si Carlo doon,” she said,

Reel to real

The film which had the biggest influence on her work as a public servant was Dekada ’70 with Christopher De Leon and Piolo Pascual.

“Ang role ko diyan ay bilang isang ina, submissive wife and a mom. Pero in this particular movie, sa kalagitnaan ng martial law, ipinakita din dito yung puso ng isang ina at isang asawa. Na tanggap lang siya ng tanggap. Pero at the end of the movie pinakita na ang babae, kahit isang asawa at isang ina, meron siyang karapatan para sa kanyang sarili at para sa kanyang lipunan. Yun ang istorya niyan. And sa totoo lang, ang laki ng tulong niyan sa personalidad ko as woman.

“When I became a public servant, dun ko lang na-realize kung anong karapatan ng mga kababaihan na dapat talaga ay pinaninindigan at pinaglalaban. Ginawa ko itong pelikulang ito, pero malaki ang contribution nito sa pagkatao ko nugn naging public servant ako, kung papaano ko pangalagaan at bigyan ng importansya ang karapatan ng mga kababaihan na siyang ginagawa ko ngayon,” she explained.

For her 2009 film In My Life, Vilma candidly admits how she felt working with her eldest son Luis Manzano for the first time in a film.

“First time I learned si Lucky ang kukunin ninerbiyos ako. Anak ko eh. Makaka-eksena ko yung anak ko ni hindi ko nga ma-imagine paano ko siya titingnan sa mata na anak ko talaga. Tapos ang role pa niya gay. Nasa likod ako ng camera para ma-motivate ko siya kahit close up niya. Nung ako na ang kukunan ni direk Olive, hala hindi na ako makaarte. Wala ng luhang lumabas sa akin. Na-drain na ako,” she said.

Playing Luis’s same-sex partner in the film was John Lloyd Cruz who Vilma talked very fondly of in the vlog.

“Naku napakasarap din kasama nito. Ang sweet naman ni Lloydy kasi hanggang nung nag-hibernate siya may contact pa rin siya. Pinadalhan pa niya ako ng pagkain. Lloydy thank you. You’re such a good actor. I don’t know kung saan mo hinuhugot. Masakit din yung sampal niya pero Diyos ko naman, Lloydy, ayaw mo akong sampalin noon. Grabe ka inabot tayo ng alas-singko. The great Inang Olive Lamasan, we started ata two or three o’clock in the morning. Sinasabi sa ‘yo ni Inang, ‘Sampalin mo na si Vi.’ Ayaw niya talaga. Alam mo bago nagawa ni Lloydy alas-singko na ng umaga. Ayaw niya talaga ako sampalin. Bawat galaw niya, alam mo agad galing sa puso. Basta galing sa puso yung arte, you will never go wrong,” she said.

Watch the vlog here:

In the half hour vlog,  Vilma also gave her viewers a look at her extensive trophy collection at home. “Pinagtrabahuan ko ho lahat ng ito. Blood, sweat, and tears. Pero yan ay utang na loob ko sa inyong lahat at kayo ang naging inspirasyon ko para makuha lahat ito,” she said.