• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘There was an issue before... hindi ko na sasabihin pero alam niyo na 'yun,’ ani Janella Salvador.

Janella Salvador, inaming hindi na nakakausap si Julia Barretto

‘There was an issue before... hindi ko na sasabihin pero alam niyo na 'yun,’ ani Janella Salvador.

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/27/2021 11:22 AM
Janella Salvador, inaming hindi na nakakausap si Julia Barretto
Photo credit: @superjanella and @juliabarretto Instagram

Nagsalita na si Janella Salvador tungkol sa estado ng pagkakaibigan nila ng kapwa aktres na si Julia Barretto. 

Ito ay matapos na mabanggit ang pangalan ni Julia sa isang video na nai-post sa YouTube channel ng celebrity twins na sina Joj at Jai Agpangan, kung saan naglaro ang tatlo ng sikat na game na "Drink or Spill".


Nang tanungin kung kumusta na sila ni Julia, inamin ni Janella na hindi na sila nag-uusap ng aktres.

"Ah! May ganon. Okay, sasagutin ko, sige," aniya.

"Honestly, hindi na kami nag-uusap ni Julia. There was an issue before... hindi ko na sasabihin pero alam niyo na 'yun," dagdag niya.

Kuwento ni Janella, na ngayon ay isa nang ina, nag-reach out pa si Julia sa kanya noong malaman nitong buntis siya. 

"Sinendan niya ako ng balloons, tapos nag-thank you ako. Pero hindi na nag-progress 'yung friendship namin," ani Janella.

Gayunpaman, bukas umano si Janella sa ideya na maging magkaibigan ulit sila ni Julia.

"If we ever cross paths again, then why not? But right now, hindi kami pa nag-uusap," sabi niya.

Matatandaan na taong 2019 nang mabalita ang biglang pag-unfollow ni Julia kay Janella at sa aktor na si Joshua Garcia sa Instagram. 

Dating magkarelasyon sina Julia at Joshua, habang ang aktor at si Janella ay naging magka-love team sa sikat na ABS-CBN series na The Killer Bride.

BASAHIN: Julia Barretto unfollows Joshua Garcia, Janella Salvador on Instagram

Hindi nagbigay ng dahilan si Julia kung bakit niya naisipang i-unfollow ang dalawa, ngunit nilinaw nito na magkaibigan pa rin sila ni Joshua. 

Sa isang press conference noong nakaraang taon, nagpahayag din ang aktres ng kanyang suporta para sa dating nobyo at kay Janella.

“Up to this day, watching him from afar… As I always tell him, ‘I’ll always be one of your cheerleaders,'" ani Julia kay Joshua. "Wherever he is in his career now, I’m really proud of him, because I’ve seen his growth, and I was there in the beginning of that all."

Para naman kay Janella: “Dati kasi, palagi namin pinag-uusapan ‘yung mga pangarap naming dalawa, ‘yung mga gusto naming maabot, gusto naming ma-experience, ‘yung mga path na gusto namin mapuntahan. Ngayon, just watching her, being able to do these things, proud ako sa kaniya, and pinag-pe-pray ko rin siya."

Sa ngayon ay naka-follow na muli si Julia sa Instagram account ng dalawa.

julia barretto janella salvador friendship gap

Samantala, sa parehas na vlog ay sinabi ni Janella na si Joshua ang maituturing niyang "best" love team partner niya. 

"Masaya makatrabaho si Joshua. Kasi super professional and ang galing niya talaga. Ramdam mo siya sa bawat eksena," paliwanag niya.

Nang tanungin kung bukas ba siyang makatrabaho ulit si Joshua, sagot ng aktres: "Open naman, of course!"