• Home
  • Fresh Scoops
  • Ejay Falcon: ‘Sana ay suportahan niyo rin ako sa ganitong klase ng larangan.’

Ejay Falcon tatakbong vice governor ng Oriental Mindoro

Ejay Falcon: ‘Sana ay suportahan niyo rin ako sa ganitong klase ng larangan.’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/27/2021 03:58 PM
Ejay Falcon tatakbong vice governor ng Oriental Mindoro
Photo credit: @ejaythefalcon Instagram

Nagpahayag na si Ejay Falcon kung anong posisyon ang balak niyang takbuhin sa darating na local and national election sa Mayo 2022. Kakandidato sa pagka-bise gobernador ang binata sa lalawigan ng Oriental Mindoro.

Si Ejay ay lumaki sa bayan ng Bacawan, Pola Oriental Mindoro at nagtrabaho bilang kargador ng kopra para makatulong sa kanyang pamilya. Tinanghal siyang big winner ng Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus noong 2008.

Tawag ng serbisyo publiko ang dahilan ni Ejay kung bakit siya sasabak siya sa pulitika.


“Ako po ay tinawag ng kabutihan at ang kabutihan na yon ay ang maglingkod sa ating bayan, at hindi mo matatanggihan na yon. Ako po ay papasok sa larangan ng pulitika at pagiging public servant,” katwiran ng aktor.

READ: Ejay Falcon inalala ang pagiging kargador sa probinsya bago naging big winner ng PBB

Muling humingi ng suporta si Ejay sa kanyang mga kababayan na sana raw kung paano siya sinuportahan ng mga ito sa journey niya sa PBB at sa pagiging artista ay ganun din ang pagsuportang ipakita sa kanya sa bagong mundong kanyang papasukin.

“Sana ay suportahan niyo rin ako sa ganitong klase ng larangan. Sinuportahan nila ako bilang isang aktor at PBB winner. Sana po ay suportahan din nila ako,” pakiusap ni Ejay.

Sinagot naman ni Ejay ang mga taong nagdududa sa kanyang qualification bilang kandidato at isang public servant.

Paliwanag niya, “Unang-una, huwag nilang ‘nila-lang’ ang pag-aartista dahil napakahirap po ang pag-aartista. Dugo't pawis din po ang ibinigay namin diyan.”

READ: Ejay Falcon, tatakbo nga ba sa pulitika ngayong 2022?

Ang magigiging running-mate ni Ejay ay ang incumbent governor ng Oriental Mindoro na si Governor Humerlito “Bonz” Dolor.

Isa lang si Ejay sa marami pang artista na tatakbo sa eleksyon sa May 2022. Ang iba pang artista na nagpahayag na rin ng interes na pasukin ang pulitika ay sina Claudine Barretto na tatakbong konsehal sa Zambales, Javi Benitez na tatakbong mayor sa Victorias City, Negros Occidental, Nash Aguas na kakandidatong konsehal sa Cavite City,  at sina Arjo Atayde na tatakbong kongresista sa Quezon City kagaya ni Aiko Melendez.

Ang ibang celebrities naman na na-experience ng humawak ng posisyon sa gobyerno na nagnanais ulit tumakbo sa halalan next year ay sina  Cavite Vice Governor Jolo Revilla who is now running for the Congress sa Cavite, Congressman Yul Servo na gusto namang maging vice mayor ng Maynila, Mayor Isko Moreno Moreno na tatakbo sa pagka-presidente ng bansa, at Senate President Tito Sotto na tatakbo namang bise president.